12 bahay, nilamon ng sunog sa Bacolod City | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

12 bahay, nilamon ng sunog sa Bacolod City

12 bahay, nilamon ng sunog sa Bacolod City

Yasmin Pascual-Dormido,

ABS-CBN News

Clipboard

Nasunog ang 12 na bahay na gawa sa light materials sa Bacolod City. Yasmin Pascual-Dormido, ABS-CBN News

BACOLOD CITY – Umabot sa 12 bahay ang nilamon ng apoy na sumiklab sa Purok Masagana, Barangay 6, Biyernes ng umaga.

Ayon kay Bacolod City Fire Marshall Chief Inspector Publio Ploteña, nagsimula ang apoy sa bahay ni Fe Pagdato at mabilis na kumalat sa mga katabing bahay na gawa sa light materials.

Sabi ng residenteng si Roberto Castillo, tanging 2 damit lamang ng kanilang sanggol ang naisalba nilang mag-asawa dahil nagmadali na silang lumabas ng bahay.

Agad namang naapula ang apoy na tinatayang nasa P200,000 ang pinsalang idinulot sa mga ari-arian.

ADVERTISEMENT

Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang awtoridad para mabatid kung ano ang sanhi ng sunog.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.