Kakulangan sa ehersisyo ng mga bata ngayong pandemya ikinabahala | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Kakulangan sa ehersisyo ng mga bata ngayong pandemya ikinabahala

ABS-CBN News
Published Mar 16, 2021 06:41 PM PHT

MAYNILA — Nababahala ang isang eksperto sa naobserbahan niyang kakulangan sa ehersisyo ng mga kabataan ngayong hindi pinapayagan ang mga ito na lumabas ng kanilang mga bahay bunsod ng pandemic.

Ayon kay Dr. Cynthia Cuayo-Juico, miyembro ng Philippine Pediatric Society, tila hindi rin gaanong nababantayan kung tama ang eating habits ng mga bata.

"Tama ba iyong taba nila o overweight na sila?" ani Juico sa panayam ng ABS-CBN News.

Kapag kasi naging obese ang isang bata, maaari umano itong magkaroon ng iba't ibang karamdaman pagtanda tulad ng hypertension o diyabetes.

ADVERTISEMENT
Ayon sa doktora, dapat bigyan ng mga magulang ng oras ang kanilang mga anak at pansinin kung kumakain ba ang mga ito nang tama, kung sapat ba ang tulog, at tama ang mga habit o nakagawian ngayong pandemya.

Mainam din aniya kung gagawa ng schedule ang mga magulang na puwedeng sundin ng kanilang mga anak.

Kailangan ding nakikipagkuwentuhan ang mga magulang sa kanilang mga anak, ani Juico.

"Siguraduhin mong ikaw rin, kailangan mong ma-express kung ano iyong nasa loob mo and the child, ma-express din niya kung anong nasa loob niya," anang doktora.

Sa paraang ito, hindi na umano kakailanganin pang lumabas ng bahay ng bata upang makahanap ng makakausap at iintindi sa kanila.

Inanunsiyo ngayong Martes ng Metropolitan Manila Development Authority na simula Miyerkoles, bawal nang lumabas ng kanilang mga bahay ang mga menor de edad.

Dahil dito, tanging mga nasa 18 hanggang 65 taong gulang ang puwedeng lumabas ng bahay.

Ngayong linggo, wala ring pasok ang mga estudyante sa public schools habang nasa training naman ang mga guro.

Read More:
PatrolPH
Tagalog news
minors
age restriction
eating habits
exericse
health
fitness
nutrition
Covid-19
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT