Mga tindahan sa terminal, inararo ng bus; 3-anyos, patay | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga tindahan sa terminal, inararo ng bus; 3-anyos, patay

Lore Mae Andong,
ABS-CBN News
Published Mar 14, 2018 07:59 PM PHT

COTABATO CITY - Patay ang isang 3-taong gulang na bata nang araruhin ng isang bus ang mga tindahan sa loob ng Mindanao Star Bus Terminal sa Cotabato City Miyerkoles ng umaga.

Sa CCTV footage ng terminal, makikitang dahan-dahang pumarada sa loading area ang bus na may plakang MVW 469.

Ilang sandali pa, makikitang mabilis itong umabante at dumiretso hanggang sa sumadsad sa mga nakahilerang tindahan sa loob at labas ng terminal.

Kuwento ng driver na si Asrap Tahir, ang konduktor niyang si Nasser Compañia ang nagmaneho ng bus papuntang loading area.

Pinigilan pa umano niya ito pero itinuloy pa rin ang takbo.

Ayon sa management ng Mindanao Star Bus Terminal, mahigpit nilang ipinagbabawal sa mga konduktor na magmaneho ng bus.

Ipinagtaka rin ng head dispatcher ng terminal na pabalik-balik si Compañia sa kaniyang opisina at sinasabing paparada na sila para magkarga na ng mga pasahero.

"Nagtaka nga ako, dalawang beses siyang pumasok dito, sabi niya torno na daw nila, paparada na sila diyan. Hindi naman nagpaalam na siya ang mag-drive kasi bawal 'yan sa mga konduktor na mag-drive," ani Eddie Bacalzo, ang head dispatcher sa terminal.

Nasawi sa insidente ang isang 3-taong gulang na bata na natutulog sa barong-barong na tindahan nang mangyari ang insidente.

Ayon sa ama ng bata, hindi niya nakuha ang anak na natutulog sa tindahan. Katabi lamang niya umano itong natutulog sa upuan.

"Amin 'yung isa sa mga tindahan. Katabi ko anak ko, natutulog siya. Tumakbo ako, hindi ko nadala ang anak ko. Hindi ko nga alam bakit tumakbo ako, nakalimutan ko ang anak ko. Sabi nila patay na daw anak ko," aniya.

Tumakas ang konduktor na si Compañia pero ayon sa management ng bus terminal, kinukumbinsi na nila itong sumuko sa awtoridad.

Dalawang taon nang nagtatrabaho ang konduktor sa Mindanao Star Bus.

Maagang bumiyahe ang bus mula Davao City at pasado alas-11 ng umaga kanina ang oras ng biyahe nila pabalik sa Davao City.

Dinala na ang bus sa tanggapan ng Traffic Management Unit ng pulisya para sa isinasagawang imbestigasyon.