Bakas ng droga, kapabayaan nakita sa pagkamatay ni Christine Dacera: NBI | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Bakas ng droga, kapabayaan nakita sa pagkamatay ni Christine Dacera: NBI

Bakas ng droga, kapabayaan nakita sa pagkamatay ni Christine Dacera: NBI

ABS-CBN News

Clipboard

Mula sa Instagram page ni Christine Dacera.

Walang ebidensiya ng rape sa pagkamatay ni Dacera: NBI

MAYNILA - May nakitang bakas ng droga at kapabayaan sa pagkamatay ni Christine Dacera, nang makakita ng ebidensiyang may droga sa kuwarto na tinuluyan ng flight attendant at ng kaniyang mga kaibigan noong New Year’s Eve.

Ito ang lumabas sa isinagawang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) sa hiling na parallel probe ng pamilya ng flight attendant sa kaso.

Ayon sa NBI Death Investigation Division Agent on Case na si Atty. Zulikha Conales Degamo, may nakitang bakas ng metamphetamine o fluoromethampethamine, o party drugs nang suriin ang bakas ng lugar kung saan sumuka si Dacera, 23, bago siya namatay.

Pinagbasehan din ng NBI ang mga naging salaysay ng mga nakasama nina Dacera sa katabing kuwarto na nakasama pa nina Dacera na mag-party sa City Garden Hotel sa Makati.

ADVERTISEMENT

Nadiskubre rin na dati nang uminom ng maintenance drugs si Dacera para sa kondisyon niya sa puso.

Bagama’t aneurysm ang naging cause of death, ayon sa mga eksperto ng NBI, posibleng nagpalala sa kaniyang kondisyon ang paggamit ng ilegal na droga.

"According to our experts na kapag ikaw ay gumamit ng drugs ay tataas ang iyong BP (blood pressure). So magra-rapid ang iyong heartbeat at tataas ang iyong BP, which will ultimately result [in] the rupture of the aneurysm," ani Degamo, bagama't hindi tahasang sinabi ng NBI na gumamit ng droga si Dacera.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Disyembre 31 nang mag-book ng hotel room sa City Garden Hotel si Dacera kasama ang kaniyang mga kaibigan para salubungin ang Bagong Taon. Sa Room 2209 ginawa ng magkakaibgan ang pagsalubong, at may mga nakasama rin umano silang mag-party sa katabing kuwarto na Room 2207.

Pagsapit ng madaling araw ay nakaramdam ng pananakit ng ulo si Dacera at kalauna'y nawalan ng malay. Idineklarang patay si Dacera nang dalhin sa ospital.

ADVERTISEMENT

Lumabas sa imbestigasyon ng PNP na natural causes ang ikinamatay at walang homicide sa nangyari, bagay na tinutulan ng pamilyang Dacera.

Taliwas ang investigation findings ng NBI sa unang pahayag ng mga kaibigan ni Dacera na nagsabing wala namang gumamit sa kanila ng droga. Dahilan ito para magsampa rin ang tanggapan ng obstruction of justice laban sa 8 kaibigan ni Dacera na kasama nito sa kuwarto.

Kasama sa mga sinampahan ng kasong obstruction of justice sina: Mark Rosales, Rommel Galido, John Dela Serna, Gregorio De Guzman, Jezreel Rapinan, Alain Chen, Reymay English, at Darwin Macalla.

Kinasuhan naman si Rosales at Garrido dahil sa pamimigay ng droga. May hiwalay namang kaso si Rosales dahil sa paggamit ng droga.

Pinakakasuhan naman ang apat sa mga kaibigan ni Dacera ng reckless imprudence dahil ilang oras na ang lumipas bago nila ito binigyan ng first aid.

ADVERTISEMENT

"Dahil sa kakaunting panahon na kasama ni Tin ang occupants ng Room 2207 ay nakita nila na humihingal at nahihirapan itong huminga, nagsabi pa siyang numb ang kaniyang katawan, masakit ang kaniyang ulo. And yet 'yung occupants ng room 2209 who were with her for such a long time failed to observe the littlest of these details," ani Deramo.

Pinakakasuhan naman ng perjury sina Galido, Dela Serna, at De Leon ng perjury, at obstruction of justice si Neptali Maroto kaugnay sa mga binawing salaysay sa pulis, na ayon sa NBI ay walang basehan.

Batay sa naging imbestigasyon, hindi napatunayang ni-rape si Dacera, ayon kay NBI Spokesperson Ferdinand Lavin, dahil wala umano itong mga abrasion o gasgas na nakita sa kaniyang ari at may ihi na nakuha sa kaniyang pantog - taliwas sa naging unang police report na ni-rape ang dalaga.

Masaya naman ang mga abogado ng pamilyang Dacera sa resulta ng imbestigasyon.

"Redemption para sa amin ito. In spite of the opinion sa social media, 'yung negative na natanggap ng family, ito po samin ay ‘yung bunga ng paghihirap ng NBI, sa pakikipagtulungan nila sa mga ahensiya," ani Jose Ledda III, abogado ng pamilya.

ADVERTISEMENT

Ayon sa NBI, hindi nagbigay ng salaysay ang 9 na kaibigan ni Dacera kahit ilang beses silang inimbita, pero maaari pa rin silang magpaliwanag sa piskal.

Sinubukan din ng ABS-CBN News na kuhanin ang panig ng ilan sa mga kinasuhan pero tumanggi muna sila habang hinihintay nila ang kopya ng isinampang kaso ng NBI.

— Ulat ni Niko Baua, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.