Pagkalat ng 'summer diseases' sa mga bilangguan, pinaghahandaan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pagkalat ng 'summer diseases' sa mga bilangguan, pinaghahandaan

Pagkalat ng 'summer diseases' sa mga bilangguan, pinaghahandaan

ABS-CBN News

 | 

Updated Jan 10, 2020 01:32 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Pinaghahandaan na ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang mga sakit na maaaring dumapo sa mga bilanggo dulot ng inaasahang pag-init pa ng panahon.

Kabilang sa mga hakbang ng BJMP para maiwasan ang pagkalat ng mga summer disease ay ang pag-ayos ng mga linya ng tubig at ventilation o daluyan ng sariwang hangin, pag-imbak ng mga gamot, at pagdaraos ng regular na check-up ng mga preso sa mga doktor.

"In-intensify ng BJMP 'yong coordination sa mga local health unit kaya mas marami na 'yong nakakapasok na health professionals kung saan puwede makapag-consult 'yong inmates," ani BJMP spokesperson Xavier Solda.

Ayon sa BJMP, mula Enero hanggang Pebrero ngayong taon, nangunguna ang upper respiratory track infection sa mga sakit na idinadaing ng mga preso.

ADVERTISEMENT

Ikalawa rito ay hypertension at ikatlo ang allergic rhinitis.

Hiniwalay na ang ibang preso, lalo iyong mga may tuberculosis, habang ang iba ay pinadala na sa pagamutan.

"Covered naman ito ng appropriate court orders," ani Solda.

Dagdag ng BJMP, congestion o pagsikip ng mga kulungan pa rin ang problemang kailangan mabigyan ng solusyon.

Una nang naulat ang pagdami ng sakit sa mga bilanggo sa Manila City Jail bunsod ng siksikan sa kulungan at matinding init.

Nasa 145,476 ang kasalukuyang jail population sa buong bansa at may congestion rate na 601.91 porsiyento.

May inilaan nang P1.5 bilyon pondo ang pamahalaan para maibsan ang pagsikip at mapaayos ang mga bilangguan.

-- Ulat ni Jeck Batallones, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.