PHLPost, nagbabala sa publiko kaugnay sa email scam | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
PHLPost, nagbabala sa publiko kaugnay sa email scam

ABS-CBN News
Published Mar 09, 2021 05:51 PM PHT

MAYNILA - Nagbabala ang Philippine Postal Corporation sa publiko kaugnay sa isang scam na gumagamit sa pangalan ng kanilang tanggapan para makapanloko.

Ayon sa PHLPost, dapat maging mapanuri ang publiko at huwag basta maniwala sa mga text o email messages na nagsasabing meron silang parcel na dapat kunin sa tanggapan.

“ilang beses na kaming nakatanggap ng tawag o kaya mensahe through social media at sa amng mga customer service agents na merong nag email sa kanila na merong silang expected parcel na ike-claim sa post office gamit ang aming official email at meron din ‘di umano na P14 na babayaran,” sabi ni Alvin Fidelson, information officer ng PHLPost sa panayam sa TeleRadyo Martes ng umaga.

Sabi ni Fidelson, kasama sa email ang isang link na dapat na i-click ng biktima para makapagpatuloy sa transaksiyon.
Sabi ni Fidelson, kasama sa email ang isang link na dapat na i-click ng biktima para makapagpatuloy sa transaksiyon.
ADVERTISEMENT
“Doon na siguro gagawin nung impostor na yun yung kanilang modus,” sabi niya, tulad ng pagkuha sa impormasyon sa biktima.

Nangangalap na rin aniya ang kanilang Mangement Information Service ng ibang impormasyon para kumpleto ang detalye bago nila ito ireport. Iniimbestigahan rin nila kung nagkaroon din ba ng breach sa kanilang email account.

Kuwento ni Fidelson, hindi ito ang unang pagkakataon na ginamit ng mga kawatan ang PHLPost para makapanloko.

“Since 2019 o last year, may mga modus na po iba-iba ang gimmick. Meron siyang gimmick gamit yung logo namin na nagsasabi na nanalo po sila ng iPhone o Samsung na pwede nilang i-claim sa post office. Meron nagpupunta sa aming tanggapan para i-claim pero bogus naman po, wala naman kaming contest o advertisement na ganun,” sabi niya.

Pinayuhan naman niya ang publiko na maaari nilang ma-track ang kanilang inaasahang parcel sa pamamagitan ng pagtawag sa hotline numbers ng post office: 8-527-0111 o 8-527-1007.