Ilang estudyante sa Davao City, hinimatay umano dahil sa lindol | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Ilang estudyante sa Davao City, hinimatay umano dahil sa lindol

ABS-CBN News
Published Mar 08, 2023 11:51 AM PHT
|
Updated Mar 08, 2023 05:07 PM PHT

Nasa 28 na estudyante sa tatlong paaralan ng Davao City ang hinimatay umano at nahirapang huminga dahil sa nangyaring magkasunod na lindol sa Davao de Oro nitong Martes.

Rumesponde ang mga rescuer at medical responder at nasa ligtas na umanong lagay ang mga mag-aaral.

Nagkaroon naman ng bitak ang mga gusali ng isang barangay health center at ilang paaralan ng lungsod.

Sa Nabunturan, Davao de Oro, bumagsak ang mga semento sa gusali ng barangay hall sa Barangay Bukal. Gumuho din ang lupa sa ilang kalsada roon.

Inilikas ang ilang pamilya nitong Martes habang ang iba ay natulog sa labas ng mga bahay dahil umano sa takot sa aftershocks.

Patuloy ang assessment ng mga disaster risk reduction and management office ukol sa epekto ng lindol sa Davao de Oro.

PINSALA SA TAGUM CITY
Sa Tagum City, napinsala rin ang ilang gusali.

Nabasag ang glass door at window sa Tagum City civil registrar's office.
Ayon kay Shedone Isidro, city disaster risk reduction and management office acting head, nabasag din ang tempered glass wall sa entrance ng mismong city hall at sa assessor's office.
Kuwento naman ng isang Bayan Patroller, katatapos lang ng kanilang parada para sa Araw ng Tagum nang biglang lumindol. Mabuti na lang aniya at walang pasok nitong Martes sa city hall kaya walang tao sa loob ng kanilang gusali.
Kinumpirma naman ng disaster office sa lungsod na walang nasaktan sa city hall ngunit may 9 tao sa malls na hinimatay habang may isa pa na nagkaroon ng sprain dahil natapilok umano sa pagtakbo.

Maliban doon, minor damage lang ang nakita nila sa iba pang mga gusali sa Tagum City.
Sa bisa ng Executive Order No. 028, Series of 2023 mula sa Office of the City Mayor ng City of Tagum, Davao de Oro, walang pasok sa mga paaralan at opisina sa buong siyudad hanggang ngayong araw, Marso 8.
Ayon kay Isidoro, patuloy ang pagsasagawa ng inspeksyon sa malls, paaralan at iba pang mga gusali sa Tagum City.

— Ulat nina Hernel Tocmo at Dabet Panelo
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT