ALAMIN: Batayang karapatan ng kababaihan | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
ALAMIN: Batayang karapatan ng kababaihan

ABS-CBN News
Published Mar 08, 2018 06:37 PM PHT
|
Updated Nov 08, 2018 10:47 AM PHT

Ipinagdiriwang ngayon ang International Women's Day habang kinikilala ang buwan ng Marso bilang buwan ng kababaihan.

Ngunit ano nga ba ang ilan sa mga batayang karapatan ng kababaihan sa ilalim ng batas? Ito ay tinalakay sa programang 'Usapang de Campanilla' sa DZMM nitong Miyerkoles.

Isa sa mga karapatang ito ay ang pagtitiyak na walang diskriminasyon sa mga babaeng nagtatrabaho, ayon kay Emmeline Verzosa, executive director ng Philippine Commission on Women.

Aniya, may mga batas na nagbabantay sa karapatan ng kababaihan pagdating sa pag-a-apply sa trabaho tulad ng mga labor code at ang Republic Act 6725.

Layon ng RA 6725 na labanan ang diskriminasyon sa mga kababaihan pagdating sa mga kondisyon sa trabaho.

Nakasaad din sa Magna Carta of Women na dapat ay walang diskriminasyon sa mga empleyada.

Ang Department of Labor and Employment ang nagbabantay kung mayroong "gender-based discrimination" sa pribadong sektor, habang ang Civil Service Commission naman sa sektor ng gobyerno, ayon kay Verzosa.

Dagdag pa rito, marami pang ibang karapatan ang mga kababaihan.

"Kasi comprehensive ito, social, political, cultural, economic. Sa economic, dapat ang kababaihan may right to livelihood, credit, technology, training, skills, decent work," ani Verzosa.

"Kung gusto niyang magtrabaho, kailangan mayroon siyang mapagkukuhanan ng trabaho na disente. Kunwari gusto niyang mag-negosyo, mayroon siyang mga serbisyo na matatangap or mapagkukuhanan para umunlad ang kaniyang negosyo," dagdag ni Verzosa.

Para naman masigurong sapat ang mga programa at serbisyo sa mga kababaihan, kailangan aniya ay maglaan ng 5 porsiyento ng kanilang budget ang mga ahensiya ng gobyerno para sa "Gender and Development Plan and Budget" o GAD.

Halimbawa, maaaring gamitin ang GAD para sa pagpapatakbo ng mga Women's Desk sa mga estasyon ng pulis.

Read More:
PatrolPH
Tagalog news
DZMM
Usapang de Campanilla
batas kaalaman
International Women's Day
kababaihan
karapatan
Magna Carta of Women
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT