Bahagi ng bundok sa Candelaria, Quezon, nasunog | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Bahagi ng bundok sa Candelaria, Quezon, nasunog

Mariz Laksamana,
ABS-CBN News
Published Mar 07, 2018 10:43 PM PHT

Sumiklab ang grass fire sa isang bahagi ng bundok na sakop ng Barangay Masalukot 3 sa bayan ng Candelaria sa Quezon bandang alas-2 ng hapon nitong Martes.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, hindi hihigit sa isang ektarya ang apektado ng sunog na naapula dakong alas-11 ng gabi.

Ayon sa imbestigasyon, kumalat ang apoy na nagsimula umano sa Barangay Antonino Ayusan na sakop ng bayan ng Dolores.

Base umano ito sa impormasyon na nakalap ng BFP Candelaria mula sa mga opisyal ng Barangay Masalukot 3 at ilang tauhan ng Army detachment malapit sa lugar.

Tuloy pa rin ang imbestigasyon sa insidente.

Nilinaw rin ng mga awtoridad na sakop ng Parcel 1 ng Mount Banahaw to San Cristobal Protected Landscape ang nasunog na lugar at hindi apektado ang mismong Bundok Banahaw.

Ayon pa sa BFP Candelaria, hindi na sila nakapag-bomba ng tubig at nahirapan silang i-akyat ang trak ng bumbero dahil matarik ang daan papunta sa lugar.

Nakipag-ugnayan na rin umano ang BFP sa mga opisyal ng barangay at sinigurong kontrolado na ang sitwasyon dito.

Patuloy na nakabantay ang tauhan ng BFP sa lugar.