BALIKAN: 19 kandidato bumida sa 2 debate sa huling 'Harapan 2019' | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

BALIKAN: 19 kandidato bumida sa 2 debate sa huling 'Harapan 2019'

BALIKAN: 19 kandidato bumida sa 2 debate sa huling 'Harapan 2019'

ABS-CBN News

 | 

Updated Mar 04, 2019 07:29 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Ilang kandidato sa pagkasenador ang humarap sa taumbayan ngayong Linggo para iparinig ang kanilang mga tindig sa mga isyu gaya ng kontraktuwalisasyon, pagdami ng mga dayuhang manggagawa, at murang serbisyong medikal sa huling edisyon ng "Harapan 2019: The ABS-CBN Senatorial Town Hall Debate."

Para sa huling "Harapan," 19 kandidato ang nagpakitanggilas sa dalawang debate, para makumbinsi ang publiko na sila ay nararapat na iboto sa darating na halalan.

Ang 11 kandidatong sumalang sa unang debate sa huling "Harapan." Jonathan Cellona, ABS-CBN News

Lumahok sa unang debate sina Labor Party Philippines candidates Shariff Albani, Gerald Arcega, Marcelino Arias, Melchor Chavez, Jose Sonny Matula, at Luther Meniano; Filipino Family Party bet Balde Baldevarona; at independent candidates Jesus Caceres, Charlie Gaddi, Emily Mallillin, at Allan Montaño.

Sa isyu ng matinding trapikong nararanasan sa EDSA, sinabi ni Caceres na dapat maghigpit sa mga pribadong sasakyang dumadaan sa naturang kalsada habang iminungkahi naman ni Chavez ang pagbawal sa mga sasakyang may edad 12 pataas.

ADVERTISEMENT

Para naman kay Montaño, dapat ipagbawal ang mga pribadong kotse sa EDSA tuwing rush hour para bigyang daan ang mga pampasaherong bus.

Ukol naman sa pagdagsa ng mga Chinese na manggagawa sa bansa, ipinanukala ni Arcega ang pagpapahiram ng pera sa mga negosyanteng Pinoy na siya namang kukuha ng mga kapuwa Pinoy bilang mga empleyado.

"Mga Pinoy dapat ang employer dito, hindi mga Chinoy," ani Arcega.

Para naman kay Arias, dapat ay "pantay" ang pagpapa-deport o pagpaplayas sa mga ilegal na manggagawa sa parehong bansa.

"Dapat 'yong mga Intsik na ilegal ang pagpasok sa Pilipinas ang isibak at 'yong mga Pilipino naman na pumasok sa China na ilegal, ibalik sa Pilipinas para pantay-pantay ang batas," aniya.

ADVERTISEMENT

Hinikayat din nina Chavez, Meniano, Gaddi at Mallillin ang pagpapa-deport sa mga ilegal na manggagawang Chinese.

Ayon kay Jose Sonny Matul, dapat taasan ang parusa sa mga recruiter ng mga ilegal worker.

Tinalakay din ng mga kandidato ang "endo" kung saan tinatapos ng employer ang kontrata ng empleyado bago pa mag-anim na buwan para maiwasang ma-regular sa trabaho.

Sang-ayon sina Matula, Meniano, Arcega, Albani at Montaño na dapat mas maraming pang trabaho ang malikha sa mga probinsiya para mawakasan ang "endo."

Ayon naman kay Baldevarona, nauunawan niya kung bakit may mga employer na nagsasagawa ng "endo."

ADVERTISEMENT

"Kung titingnan po natin, negosyante ako at sa aking perspective... hindi naman puwede na lahat ng trabaho magiging long term," aniya.

"Hihimayin natin 'yan kung pano natin poprotektahan 'yung mga short-term para nakakontrata sila ng tama," dagdag ni Baldevarona.

Ibinida naman ni Arias ang "profit-sharing" para lalo raw magsikap ang mga manggagawa at dumami ang "middle class."

Ang 8 kandidatong sumalang sa ikalawang debate sa huling "Harapan." Michael Bagtas, ABS-CBN News

Walong kandidato naman ang nagtagisan sa ikalawang debate kasama sina reelectionist JV Ejercito, United Nationalist Alliance candidate Dan Kaibigan Roleda, Partido Lakas ng Masa bet Ka Leody De Guzman, at independent candidate Ernesto Arellano.

Kasama rin sa ikalawang debate sina Dado Padilla at Elmer Francisco ng Partido Federal ng Pilipinas, at Toti Casiño at RJ Javellana ng Katipunan ng Demokratikong Pilipino.

ADVERTISEMENT

Sa isyu ng abot-kayang serbisyo-medikal para sa lahat ng Pilipino, sinabi ni Ejerctio na sapat na ang pagsasabatas sa Universal Health Care law para maging abot-kaya ang serbisyo-medikal sa publiko, bagay na sinang-ayunan ni Padilla.

Naniniwala naman si De Guzman na hindi dapat pina-privatize ang healthcare dahil nagmumukha itong negosyo kaysa sebrisyo.

"Ang problema pinaprivatize ang healthcare ginagawang negosyo dapat serbisyo... Dapat baliktarin ang mga patakarang 'yan," ani De Guzman.

Ibinida naman ni Francisco ang isang "plant-based diet" dahil masama daw sa kalusugan ang pagkain ng karne.

Nais naman ni Roleda na gawing compulsary ang pagbibigay ng serbisyo-medikal ng mga nursing at medical students sa mga baryo at malalayong lugar.

ADVERTISEMENT

Itinakda ng Commission on Elections ang halalan sa Mayo 13.

"Ang problema pinaprivatize ang healthcare ginagawang negosyo dapat serbisyo... Dapat baliktarin ang mga patakarang 'yan," ani De Guzman.

Ibinida naman ni Francisco ang isang "plant-based diet" dahil masama daw sa kalusugan ang pagkain ng karne.

Nais naman ni Roleda na gawing compulsary ang pagbibigay ng serbisyo-medikal ng mga nursing at medical students sa mga baryo at malalayong lugar.

Itinakda ng Commission on Elections ang halalan sa Mayo 13.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.