Taiwanese, arestado sa PDEA raid sa Malate | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Taiwanese, arestado sa PDEA raid sa Malate

Taiwanese, arestado sa PDEA raid sa Malate

Mariz Laksamana,

ABS-CBN News

Clipboard

Nahulihan umano ng P6-M halaga ng iligal na droga ang Taiwanese national na si Zhi Quan Wu

Arestado ang isang Taiwanese national sa isinagawang raid ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Malate, Maynila nitong Martes.

Kinilala ang suspect bilang si Zhi Quan Wu, na isa umanong retiradong kapitan sa militar.

Ayon sa PDEA Calabarzon, miyembro ang suspek ng isang malaking Chinese drug syndicate kaya naman itinuturing siya bilang isang high-value target.

Sabi ni PDEA Calbarzon Director Archie Grande, 3 buwan daw bago tuluyang nag-positibo ang pinlanong operasyon para maaresto si Wu.

ADVERTISEMENT

"Meron kaming ginamit na informant who made the connection and communication dito kay Mr. Wu," ayon kay Grande.

"It took us around 3 months to connect with him personally then yun nga nagkaige tayo nang makapagpa-deliver ng shabu dun sa isang condo sa Malate, Manila which he agreed na siya mismo ang magde-deliver," dagdag ni Grande.

Dala-dala umano ng suspek ang isang pouch laman ang isang kilong pinaghihinalaang ilegal na droga na may street value na P6 milyon.

Iniimbestigahan pa naman umano ng PDEA Calabarzon kung saan nagmula ang suplay ng ilegal na droga na nakumpiska kay Wu.

"Ongoing yung aming investigation pinpointing kung saan galing yung supply niya. We are not certain yet kung ito ba ay cause ng manufacturing within the Philippines or imported coming from other countries," sabi ni Grande.

Haharap si Zhi Quan Wu sa kasong pagbebenta ng ilegal na droga.

Tumanggi namang magbigay ng pahayag si Wu na kasulukuyang nasa kustodiya ng PDEA Calabarzon.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.