Pamamahiya, pananakot sa mga may utang, nais ipagbawal sa panukalang batas | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pamamahiya, pananakot sa mga may utang, nais ipagbawal sa panukalang batas

ABS-CBN News
Published Feb 29, 2020 10:53 AM PHT
|
Updated Feb 29, 2020 12:17 PM PHT

MANILA - Sa paniningil ng utang, bawal dapat ang pananakot at pagpapahiya.

Ito ang mungkahi ng isang panukalang batas ni Sen. Sherwin Gatchalian na layong ipagbawal ang mga abusadong paraan ng paniningil ng utang.

Sa ilalim ng Senate Bill No. 1336 o ang "Fair Debt Collection Practices Act," nais ni Gatchalian na ipagbawal ang "paggamit ng di makatarungan, mapanlinlang at abusadong pangongolekta at paniningil ng utang."

Ito'y bunsod ng mga reklamo ng pamamahiya o pananakot sa mga hindi pa makabayad, lalo na sa social media, aniya.
Ito'y bunsod ng mga reklamo ng pamamahiya o pananakot sa mga hindi pa makabayad, lalo na sa social media, aniya.
ADVERTISEMENT
“Layunin ng panukalang batas na ito ang pagtanggal ng abusado at hindi makatarungang pangongolekta ng debt collectors ng utang laban sa mga kababayan nating nangangailangan,” ani Gatchalian sa isang pahayag.

Aniya, “sinisiguro din ng naturang panukalang batas na maprotektahan naman ang mga debt collector na hindi nang-aabuso.”

Sa ilalim ng panukala, bawal ang sino mang debt collector na "mang-harass o mang-api" ng mga may utang. Bawal din ang "paggamit ng mapanlinlang na representasyon o pamamaraan ng pangongolekta ng utang," ani Gatchalian.

Layunin din ng panukala na masiguro na confidential at hindi maisisiwalat sa publiko ang impormasyon ng mga may utang ng walang pahintulot.

Aabot sa P30,000 ang maaring maximum na multa sa mga lalabag.

Read More:
loan
debt collector
fair debt collection
utang
kolektor
Sherwin Gatchalian
Gatchalian
Senate bill
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT