Naagnas na bangkay ng babae, natagpuan sa Cagayan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Naagnas na bangkay ng babae, natagpuan sa Cagayan

Naagnas na bangkay ng babae, natagpuan sa Cagayan

ABS-CBN News

Clipboard

Natagpuan ang bangkay ng hindi pa nakikilalang babae sa Santa Ana, Cagayan nitong Biyernes ng umaga.

Ayon kay Police Major Ronald Balod, hepe ng Santa Ana Police, ilang residente na napadaan sa gubat ng Barangay Casagan ang unang nakakita sa bangkay.

Hindi pa mabatid kung paano ito napunta sa lugar, pero pinaniniwalaan na matagal na itong nandoon dahil naaagnas na ang bangkay o halos kalansay na.

“Sabi naman ng municipal health officer namin, mahigit isang buwan na iyon kasi nasa state of decomposition na,” ani Balod.

ADVERTISEMENT

Hindi pa matukoy ang katauhan ng bangkay lalo’t walang nakitang anumang pagkakakilanlan dito maliban na lamang sa mga suot nito gaya ng jogging pants. Nakasuot din ito ng t-shirt na kulay pink na may nakaimprentang “We Can Make Change Work for Women” at sa bandang kaliwa naman ay may logo ng Municipality of San Miguel, Bulacan.

Nananawagan ngayon ang Santa Ana Police sa sinumang nawawala ang kamag-anak na agad makipag-ugnayan sa kanilang opisina o sa mga numerong 0927-435-2980 at 0998-598-5202.

“Nakipag-coordinate na rin kami sa crime laboratory para kumuha ng sample at ibibigay natin iyon for comparison kung halimbawa may mag-claim na relatives,” ani Balod.

Inilibing na muna ang bangkay sa municipal cemetery sa Barangay Centro, Santa Ana.

- ulat ni Harris Julio

RELATED VIDEO

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.