Public apology hiling ng nurses group dahil sa hirit na ‘palit-bakuna’ sa Europe | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Public apology hiling ng nurses group dahil sa hirit na ‘palit-bakuna’ sa Europe

Public apology hiling ng nurses group dahil sa hirit na ‘palit-bakuna’ sa Europe

ABS-CBN News

Clipboard

Inaayos ng isang health worker ang kaniyang face mask sa isang testing center sa Navotas City noong Agosto 20, 2020. George Calvelo, ABS-CBN News/File

MAYNILA - Humirit ng public apology ang malaking grupo ng mga nurse sa mistulang pagkalakal sa kanila ng Department of Labor and Employment kapalit ng COVID-19 vaccines.

Matatandaang humirit umano ang DOLE na ialok sa Germany at Britain ang mga nurse kapalit ng bakuna, bagay na ikinadismaya ng ilang grupo at kongresista sa pagtrato sa mga nurse bilang "barter."

Sinabi sa Teleradyo ni Alyn Andamo, secretary-general ng Filipino Nurses United na bagama’t tanggap nilang tila export product na ang mga nurse dahil sa malaking ambag sa remittances ay hindi maganda sa pakiramdam na mismong mga opisyal ng gobyerno ang tumatrato sa kanila na kalakal.

Giit ni Andamo na gusto ng mga nurse na mabigyan ng trabaho sa ibang bansa dahil tinitingnan sila bilang mahusay na tagapag-alaga ng mga pasyente, at sa skill o kakayahan nila bilang healthcare professionals.

ADVERTISEMENT

Watch more in iWantv or TFC.tv

“Kami po sa FNU ay hindi masaya kasi napaka, parang masasabi nating nakakainsulto ang mga ganung pananalita, para kaming commodities, barter commodities na ipinagpapalit,” ani Andamo.

“Sana po maka-apologize sa mga nurses at kung ang intent siguro ng gobyerno ay matugunan ang mga pangangailangan hindi naman siguro kailangang gamitin ang nurses bilang kapalit.”

Paliwanag ni Labor Sec. Silvestre Bello III na bahagi ito ng kaniyang pakikipag-negosasyon sa Ambassador ng UK na unang humiling na ma-exempt sila sa 5,000 deployment cap ng bansa.

"Kung sa tingin nila, nasaktan sila pasensya na po pero hindi po 'yun ang plano ko. Ang daming nagsasalita, hindi naman nila alam ang nangyayari eh," ani Bello sa panayam sa Teleradyo.

Ayon pa kay Bello, isinama na niya sa request sa bakuna ang mga overseas Filipino worker, na Priority 4 sa mga babakunahan sa bansa.

"Kung saka-sakaling mag-recommend ako, gusto ko yung mga nurses bago namin i-deploy eh nakakatiyak tayo sa kanilang kaligtasan, and the best way is ma-vaccinate na sila bago sila pumunta roon," ani Bello.

Pero una nang sinabi ni UK Ambassador Daniel Pruce na walang kaugnayan ang deployment ng Filipino nurses at ang pagbibigay ng tulong para makakuha ng bakuna ang Pilipinas.

Nahuhuli ngayon ang Pilipinas sa pagdating ng mga COVID-19 vaccines kung ikukumpara sa mga karatig-bansa sa Asya. Layon ng gobyerno na pabakunahan ang nasa 70 milyong katao o two-thirds ng populasyon ng bansa ngayong taon.

Sa ngayon, wala pang dumarating na kahit isang bakuna. Nabanggit naman ng Malacañang na paparating sa Pebrero 28 ang Sinovac vaccines mula China.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.