Barangay health worker, nahulihan ng 'shabu' sa Cagayan | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Barangay health worker, nahulihan ng 'shabu' sa Cagayan

Barangay health worker, nahulihan ng 'shabu' sa Cagayan

ABS-CBN News

Clipboard

Isang barangay health worker ang inaresto matapos umanong mahulihan ng shabu sa bayan ng Camalaniugan, Cagayan nitong Linggo.

Ayon kay Police Capt. Aleeh Bacuyag, hepe ng Camalaniugan Police, ikinasa nila ang search operation sa bahay ng 32-anyos na babae dahil sa impormasyon na nagtutulak at gumagamit umano ito ng shabu.

“As per revelation nung mga unang nahuli po namin, kasali po siya sa mga bumabalik at saka gumagamit,” ani Bacuyag.

Nagpositibo umano ang operasyon at natagpuan ng mga pulis sa silid ng suspek ang isang pouch na may apat na sachet ng shabu.

ADVERTISEMENT

“Ang source po nila is coming from Metro Manila,” ani Bacuyag.

Lumabas na negatibo sa drug test ang suspek na napag-alamang isa sa mga responder sa Barangay Bulala at nakatapos ng community-based rehabilitation and wellness program noong 2019.

Dalawang bala ng kalibre .45 at .38 ang nakumpiska sa suspek.

Isinampa na ang reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act at illegal possession of ammunitions laban sa suspek.--Ulat ni Harris Julio

RELATED VIDEO

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.