Ano ang statutory rape? | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ano ang statutory rape?

Ano ang statutory rape?

ABS-CBN News

 | 

Updated Oct 06, 2018 07:39 PM PHT

Clipboard

Editor's Note: May mga tinatalakay na seksuwal at hindi pambata ang artikulong ito. Mahalaga ang wastong paggabay sa mga wala pa sa tamang edad o disposisyon para magbasa o umintindi ng ganitong mga bagay.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Ang rape o panggagahasa ay isang krimen kung saan puwersahan ang nangyaring pagniniig.

Ngunit depende sa edad ng biktima, o sa kanyang relasyon sa nanghalay, maaaring mag-iba ang maging haba ng kaparusahang pagkakakulong ng maysala. Tinalakay ito sa programang "Usapang de Campanilla" nitong Huwebes.

Statutory Rape

Ayon kay Atty. Noel del Prado, ang statutory rape ay nangyayari kung hinalay ang isang batang may edad 12 anyos pababa.

"Kasi 'yung karaniwang depensa ay ito ay consensual, pumayag. Ang sinasabi ng batas, ang batang edad 12 pababa, hindi kayang magbigay ng consent dahil siya ay nasa murang edad," ani Del Prado.

ADVERTISEMENT

Ayon pa sa abogado, kahit na pumayag ang batang 12 anyos pababa na makipagtalik ay maituturing pa rin ito na panggagahasa.

Mas mabigat din ang parusa sa statutory rape dahil maaaring masentensiyahan ng reclusion temporal hanggang reclusion perpetua ang nagkasala. Nasa 17 hanggang 20 taong pagkakakulong ito.

Kung nasa 7 anyos o mas bata naman ang biktima, puwedeng masentensiyahan ng madantory reclusion perpetua o habangbuhay na pagkakakulong ang suspek, ayon kay Del Prado.

Dati ay pumapasok ang ganitong krimen sa maaaring mapatawan ng dealth penalty. Wala nang death penalty sa Pilipinas.

Marital Rape

Samantala, nangyayari ang marital rape kung sapilitan ang nangyaring pagtatalik sa pagitan ng mag-asawa.

ADVERTISEMENT

Ayon kay Del Prado, wala umano sa batas dati ang marital rape dahil hindi itinuturing na krimen noon kung pilitin o puwersahin ng isang tao ang kaniyang asawa na makipagniig.

Ngunit nang maipatupad ang Republic Act 8353, o ang Anti-Rape Law of 1997, puwede nang magreklamo, mapa-babae man o lalaki, kung pinilit ang isang tao na makipagtalik ng kaniyang asawa.

Ang RA 8353 ay isang batas na naglalayong palawakin ang depinisyon ng krimen na pangagahasa.

"Dati kasi ang definition ng rape, penis o yung genitalia ng lalaki ang ipapasok sa vagina o genitalia ng babae. Ibig sabihin, lalaki lang ang puwedeng mang-rape," ani Del Prado.

"Pero ngayon, kahit na hindi lamang dun sa genitalia, kundi kahit du'n sa anal or oral orifice," dagdag ng abogado.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.