Harry Roque sa Rappler: 'You have to pay for irresponsible journalism' | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Harry Roque sa Rappler: 'You have to pay for irresponsible journalism'

ABS-CBN News
Published Feb 20, 2018 10:35 PM PHT
|
Updated Sep 06, 2019 05:31 PM PHT

Nanindigan ang tagapagsalita ng Malacañang na hindi na puwedeng mag-cover sa Malacañang ang sinumang reporter ng Rappler dahil sa pagpapakalat umano ng "fake news."

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, sa panayam ng "S.R.O." ng DZMM, hindi naman pinagbabawalan ang Rappler na maglathala pa rin ng mga ulat pero hindi na sila maaarang direktang mag-cover kay Pangulong Rodrigo Duterte o sa Malacañang.

"Linawin po natin na hindi namin pinipigil ang Rappler magsulat... Sige na magsulat na kayo ng gusto niyo magsulat, huwag niyo sasabihin na kayo'y sinupil. Pero wala kayong relasyon sa presidente," ani Roque.

"Wala kayong kredibilidad na magsabi ang balita niyo... dahil wala na kayong access sa presidente. 'Yan ang price you have to pay for irresponsible journalism."

Nitong Martes, hinarang ng Presidential Security Group ang Rappler reporter na si Pia Ranada na magko-cover sana ng speech ni Duterte na nakatakda noong 5:30 ng hapon sa Palasyo.

Bago nito, naharang din si Ranada papasok sa Palasyo. Kalauna'y pinapasok din naman siya at pinatuloy sa New Executive Building kung saan nakahimpil ang mga reporter ng Malacañang.

Nakapunta pa si Ranada sa press briefing ni Roque at bahagyang nagkasagutan ang dalawa ukol sa ulat ng Rappler sa frigate acquisition project ng Philippine Navy.

Iginiit ni Roque na "fake news" ang pinalabas ng Rappler na umano'y pag-endorso ni Special Assistant to the President Bong Go sa isang kompanya para sa proyekto.

"Noong unang panahon, napakalapit ni Pia Ranada sa presidente, napakalapit niyan kay Bong Go, pero dahil sa kaniyang kasinungalingan, ayan nawala lahat," giit ni Roque. "Ang sinabi lang ng pangulo, 'Ayaw ko nang magkaroon ng relasyon diyan sa Rappler... you will not have access to me.'"

Tinanong naman ng anchor ng S.R.O na si Alvin Elchico kung ano'ng mangyayari sa iba pang reporter kung di magustuhan ng pangulo ang kanilang pag-uulat?

"What will prevent the president from banning anyone else, aside from Pia [Ranada], kung di niya nagustuhan ang report at para sa kaniya ay biased ang report?" tanong ni Elchico kay Roque.

"Hindi kasi isyu ito ng di nagustuhan e. Fake news na fake news e. Naideklara na sa Senado, nakita na ng lahat ng tao na diumano'y star witness nila... nagsabi na 'hindi nanghimasok si Bong Go.' E ano pa rin ang salita ni Pia... nagpipilit siya sa conclusion niya," tugon ni Roque. "Kasinungalingan na, fake news na."

"Pero huwag niyang sabihin na kinakailangan pagtiisan ng presidente ang fake news dahil hindi naman tama 'yon."

LISENSIYA NG RAPPLER
Ayon kay Ranada, sinabihan siya ni Senior Deputy Executive Secretary Menardo Guevarra na wala nang bisa ang kaniyang akreditasyon bilang reporter sa Palasyo.

Dagdag pa ni Ranada, sinabi rin ni Guevarra na papayagan lang siyang muling pumasok o mag-cover sa Malacañang kung maglabas ng utos ang Court of Appeals na kokontra o pipigil sa desisyon ng Securities and Exchange Commission na kumakansela sa lisensiya ng Rappler.

"I feel dismayed kasi for me, it’s my work to cover Malacañang, it’s my job, it’s my livelihood," sabi ni Ranada sa Malacañang press corps.

Kinastigo naman ng Rappler ang anila'y panggigipit sa mga mamamahayag tulad noong rehimeng Marcos.

"It is the first time, post-Marcos, that a duly-elected president has banned particular journalists from entering the Palace," saad ng pahayag ng Rappler.

Nauna nang sinabi ni Communications Assistant Secretary Mocha Uson na puwede aniyang mag-cover sa Palasyo ang Rappler kung kukuha muna ng akreditasyon sa tanggapan ni Uson.

"Kung nanonood si Maria Ressa, ay bukas po ang opisina ng social media ng PCOO [Presidential Communications Operations Office]. Mag-submit lang po sila ng requirements nila, at kung makapasa ay bibigyan natin ng accreditation, social media accreditation," sabi kamakailan ni Uson.

Sa isang pahayag, sinabi ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) na hindi na sila nagulat sa umano'y inasal ni Duterte.

“But the depth to which he can stoop to unleash the awesome power of his office against individuals whom he disagrees [with] is, to say the least, appalling and extremely unbecoming of his office. He has acted much like a petulant child throwing a fit,” saad ng pahayag ng NUJP.

Sa panayam din ng S.R.O. kay Jo Clemente, chairman ng NUJP, iginiit niyang dapat manaig ang karapatan sa malayang pamamahayag sa ganitong pagkakataon.

"I still believe na 'yong right of the people to information is paramount kaysa sa fear na magkaroon ng fake news."