Mga menor de edad na nabubuntis patuloy na dumarami | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga menor de edad na nabubuntis patuloy na dumarami

ABS-CBN News
Published Feb 17, 2021 09:27 PM PHT

MAYNILA – Tuloy ang pagsirit ng bilang ng mga batang maagang nagiging magulang lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Ang isyu ng teenage pregnancy, sabi ng Commission on Population (Popcom), isang krisis na kailangang bilisan ang solusyon lalo at 47 sa bawat 1,000 nanganganak ngayon ay menor de edad.

"Lumalabas sa pag-aaral na ito, itong mga kabataan na nagsisimula ng pamilya habang menor de edad, sila ang malamang na maiiwan sa pag-unlad ng bayan... Ang mga pamilyang Pilipino na pinangungunahan ng mga batang ina na menor edad ang pinakadukhang pamilyang Pilipino sa ating lipunan," sabi ni Popcom executive director Juan Antonio Perez III.

Ayon sa mga eksperto at grupo na nakatutok sa isyu ng populasyon, karamihan ng nabubuntis ngayon o nagkakaasawa ay dahil sa kulang sa edukasyon na nakuha umano sa paaralan, gayundin sa kanilang komunidad.

ADVERTISEMENT
Kung hindi matutugunan, posibleng sumipa sa higit 133,000 ang mga menor de edad na mabubuntis sa pagtatapos ng 2021.

Minamadali na ng Popcom ang pagbibigay ng social protection sa mga batang ina.

"Ngayong taon pa lang, ni-recognize na ng Congress na ang teenage mother at 'yung kanyang anak ay kailangan nang maisama sa social protection," ani Perez.

Ang benepisyong ito ay itinutulak nang maisabatas para maisama sa taunang budget.

–Ulat ni Sherrie Ann Torres, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPh
Tagalog news
balita
TV Patrol
Popcom
Commission on Population
Juan Antonio Perez III
populasyon
batang ina
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT