Pagdating sa PH ng unang batch ng Pfizer vaccines bahagyang maaantala | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pagdating sa PH ng unang batch ng Pfizer vaccines bahagyang maaantala

ABS-CBN News
Published Feb 11, 2021 08:18 PM PHT

MAYNILA - Bahagyang maaantala ang pagdating ng unang batch ng Pfizer vaccines mula sa COVAX facility ng World Health Organization, ayon kay vaccine czar Carlito Galvez Jr.

Ayon kay Galvez, inaasahang darating ito sa ikatlo o ikaapat na linggo ng Pebrero. Unang nabanggit na inaasahan sa kalagitnaan ng Pebrero ang pagdating ng mga bakuna, batay sa ipinangako ng World Health Organization.

"The promise of the (World Health Organization) before is second week. But there are documents that needed to be submitted before its arrival. Medyo ma-delay. Mag-slide tayo ng another week," ani Galvez sa isang pagdinig sa Senado.

"Considering the agreement medyo made-delay ng 3rd week of February. Pero definitely it will be on February," dagdag niya.

Wala pang arrival date sa unang batch ng 117,000 Pfizer shots mula sa COVAX facility, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

"Inaasahan po natin, hindi matatapos ang buwan ng Pebrero at darating din ang paunang shipment galing sa COVAX Facility," aniya.

Samantala, makakakuha ang bansa ng initial batch ng 600,000 COVID-19 vaccine shots mula sa Sinovac Biotech ng China sa Pebrero 23, ayon sa Malacañang.

"Ang bakuna po na Sinovac na galing naman sa China, nakaukit na po sa bato ang pagdating. Ito po ay a-beynte tres ng Pebrero," ani Roque.

Pero ayon kay Galvez, hindi madadala sa Pilipinas ang mga bakuna hangga’t walang emergency use authorization ang mga ito mula Food and Drug Administration (FDA).

MGA FRONTLINER NA GUSTONG MAGPABAKUNA, DUMAMI
Samantala, dumami na umano ang mga frontliner sa COVID-19 referral hospitals na nais magpabakuna laban sa sakit, sa harap ng mga agam-agam na unang naranasan ng ilan sa mga posibleng side effects ng mga ito.

Ang Philippine General Hospital (PGH) sa Maynila, nasa 95 porsiyento na ang mga gustong magpabakuna na mga empleyado kontra sa sakit, batay sa huling araw ng registration at screening nila.

Mas mataas ito sa 75 porsiyentong naitala sa survey na isinagawa ng ospital kamakailan.

"Napakaganda ng response sa appeal for vaccination. As of yesterday, nakaka-4,000 vaccinees na na-register na. Ngayon, another 1,000 to 2,000. Baka we can reach close to 6,000 registrants," ani PGH spokesperson Jonas Del Rosario.

Si Rosario, na naging survivor at nawalan ng magulang dahil sa COVID-19 ang unang tuturukan ng bakuna sa ospital.

"Napili po namin ang aming spokesperson, si Dr. Jonas Del Rosario, na mula pong March 22 hanggang ngayon ay araw-araw nasa PGH, nagsasalita para sa amin. Nagka-COVID po siya, at sa kasamaang palad, ang kanyang mga magulang po ay parehong namatay dahil sa COVID."

"Symbolic gesture of the final phase of their personal fight against COVID-19," ani PGH Director Gerardo Legaspi.

Nagsagawa rin ng screening sa mga empleyado ang ospital para malaman kung sino ang mga low-risk at high-risk. By schedule din ang gagawing pagbabakuna.

Ang Lung Center of the Philippines, pinapalakas ang information campaign para masagot ang mga agam-agam ng mga magpapabakuna.

Aabot sa 10 porsiyento ng 1,250 personnel ng ospital ang ayaw pa magbakuna sa ngayon kontra sa COVID-19, ayon sa ospital.

"There is no treatment without any risk at all. Now it’s a matter of evaluating the benefits from the risk. Kung ganyan ang benefit mo, ganyan ang risk mo, go tayo. Pero kung ganito 'yung benefit mo, ganyan ang risk mo, kami pa ang unang aatras. Given the info and data we have so far, siyempre go tayo diyan," ani Lung Center of the Philippines Spokesperson Norberto Francisco.

Nasa 80 porsiyento naman ng mga empleyado ng East Avenue Medical Center, ang gustong magpabakuna.

Pero 50 hanggang 60 muna ang planong bakunahan sa unang araw.

-- Ulat nina Vivienne Gulla at Bianca Dava, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog News
COVID-19 vaccine
COVID-19 vaccine update
TV Patrol
frontliner
vaccination
vaccine
bakuna
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT