DFA, bukas na tuwing Sabado para sa passport appointment | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
DFA, bukas na tuwing Sabado para sa passport appointment

Kevin Manalo,
ABS-CBN News
Published Feb 10, 2018 02:56 PM PHT
|
Updated Feb 10, 2018 10:17 PM PHT

MAYNILA - Sinimulan na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagpo-proseso ng mga aplikasyon para sa pasaporte sa tanggapan nito sa Aseana, Parañaque City kahit Sabado.

Mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon, bukas ang opisina ng DFA Aseana, ang punong consular office ng ahensiya. Dati ay regular na office hours lamang mula Lunes hanggang Biyernes bukas ang tanggapan.

Nagpaalala naman ang DFA na hindi sila tatanggap ng walk-in applicants at tanging 'yung mga nagtakda ng appointment online ang maaaring pagsilbihan.

Ayon sa mga iilang nagpunta sa DFA Aseana, nahirapan pa rin silang makapagpa-book sa website ng DFA.
Ayon sa mga iilang nagpunta sa DFA Aseana, nahirapan pa rin silang makapagpa-book sa website ng DFA.
ADVERTISEMENT
Tulad ni Elena Javier Esteban na galing pang Tarlac. Nagbaka-sakali siyang makakuha ng slot para makapag-apply ng trabaho sa Israel.

Pero dahil hirap na hirap makapagpa-schedule sa website ng DFA, may nakapagsabi sa kaniyang may mga slot na ibinebenta ang ilang “fixer” sa halagang P1,000.

Aniya, wala naman siyang ibang pagpipilian at magbabayad na lang para makapag-apply na. Sa oras ng panayam, makikipagkita pa lang si Esteban sa “fixer” para makakuha ng slot.

Nagpaalala naman ang DFA sa isang babala sa website na mag-ingat sa mga ka-transaksyong “fixer”.

Kung titingnan ang website ng DFA ngayon, May 7, 2017 na ang pinakamaagang petsa na puwedeng magpa-schedule ng appointment.

Wala pang binubuksang slot para sa mga darating na Sabado sa nasabing opisina ng DFA.

Noong nakaraang buwan, nagbukas ng 118,000 passport appointment slots ang DFA upang maibsan ang hirap ng pagtatakda ng appointment sa ahensiya.