Babae huli sa bintang na nagbebenta online ng pekeng property | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Babae huli sa bintang na nagbebenta online ng pekeng property

Babae huli sa bintang na nagbebenta online ng pekeng property

ABS-CBN News

 | 

Updated Feb 10, 2021 06:53 AM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA – Arestado sa entrapment operation ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang babaeng sangkot sa online scams kung saan gumagamit umano ito ng pekeng larawan ng property na kunwaring ibinebenta niya.

Sa isang money remittance center sa Baguio City inabangan ng mga tauhan ng NBI si Shai Ann Fernando, ang naturang suspek.

Dito kasi ipinadala ng complainant at ng NBI ang P10,000 na downpayment sa umano'y 311 square meters na lupa sa Puerto Princesa, Palawan.

Modus umano ni Fernando ang mag-post ng mga pekeng larawan ng mga property na ibinibenta aniya.

ADVERTISEMENT

Ang pamangkin ni Fernando ang kumuha ng pera sa money remittance center pero nang makita ng NBI na inabot na niya sa suspek ang pera, dito na siya inaresto.

Napag-alaman ng NBI na may 4 warrant of arrest sa Palawan ang suspek at sa Baguio City siya nagtago, kung saan itinuloy pa rin niya ang panloloko.

Kinasuhan na ng patong-patong na reklamo si Fernando.

–Ulat ni Zyann Ambrosio, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.