Computerized board exam planong isagawa sa 8 kurso dahil sa pandemya | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Computerized board exam planong isagawa sa 8 kurso dahil sa pandemya

Anjo Bagaoisan,
ABS-CBN News
Published Feb 06, 2022 04:51 PM PHT

MAYNILA — Naghahanda ang Professional Regulation Commission (PRC) para sa pagsasagawa ng computer-based licensure exam sa 8 kurso, para matuloy ang mga pagsusulit na ito sa kabila ng pandemya.

Ayon kay PRC chairperson Teofilo Pilando Jr., naging maganda ang pagtanggap sa ganitong paraan sa board exam ng geology noong 2021 dahil.

Magiging hybrid naman ang psychology licensure exam sa Pebrero 8-9—computer based para sa mga kukuha nito sa Metro Manila at de-sulat pa rin sa mga kukuha sa Cebu dahil sa issue sa internet connectivity.

Sariling gawa (in-house) ng information and communications technology (ICT) unit at licensure office ng PRC ang computer-based exam.

Bukod sa geology at psychology, nais na ring ipatupad ng PRC ang computer-based exam para sa mga nais magkakarera sa aeronautical engineering, dental hygiene and technology, guidance and counseling, metallurgical engineering, naval architecture at sanitary engineering.

Tinitingnan din nilang kumuha ng serbisyo ng 3rd party o ibang kumpanya para rito.

"It would still require a common exam venue & fixed exam schedule but using a computer. This way it will be a transition from the conventional pen and paper exam and would be more manageable given current conditions," ani Pilando.

Pero ayon kay Pilando, kailangan ding isaalang-alang sa pagpapatupad ng computer-based exam ang dami ng mga kukuha nito, kakayahan at gamit sa mga testing center para maisagawa ito, at ang kahandaan din ng mismong mga propesyon na lumipat na sa computerized licensure exams.

Dagdag ng PRC, posibleng mapaunlad pa ang sistema para makagawa na ng exam on-demand na hindi na kailangang pumunta sa testing site o magtakda ng schedule ng exam.

"We may be able still to commodify this in the future, if needed, for an exam on-demand--meaning being able to take the exam anytime, anywhere. But again this would depend on the rules, the technology available resources & acceptability by all concerned stakeholders," aniya.

Samantala, sinabi ng PRC na pinag-aaralan na rin nila ang pagsama ng pagbabakuna sa COVID-19 sa mga rekisito sa pagkuha ng licensure exam.

Nakikipag-ugnayan na sila sa Department of Health at IATF para amiyendahan ang kanilang panuntunan para matanggap ang vaccination card kapalit ng negative RT-PCR test o patunay ng 14-day quarantine.

Sabi ni Pilando, balik-normal na rin ang dami ng mga kumukuha ng board exam sa nakaraang mga buwan at isa lang ang naudlot sa gitna ng surge nitong Enero.

Tiniyak naman niyang mabibigyan na ng prayoridad ang lahat ng mga kurso sa pagsasagawa ng licensure exam matapos unahin ang mga health-related disciplines noong 2020 at 2021.

May nakatakdang 92 board exams ang PRC ngayong 2022.

Read More:
Tagalog News
PatrolPH
licensure exam
board exam
PRC
Professional Regulation Commission
computer-based licensure exam
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT