Tigdas outbreak idineklara sa NCR, Central Luzon | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Tigdas outbreak idineklara sa NCR, Central Luzon

ABS-CBN News
Published Feb 06, 2019 04:58 PM PHT
|
Updated Feb 06, 2019 08:29 PM PHT

(UPDATED) Kinumpirma ng mga opisyal ng Department of Health (DOH) ngayong Miyerkoles na may measles outbreak o pagkalat ng sakit na tigdas sa National Capital Region at Central Luzon.

"Yes, there is an outbreak of measles (in NCR)," sabi ni Health Secretary Francisco Duque.

Lumobo ng 550 porsiyento ang mga kaso ng tigdas mula Enero 1 hanggang Pebrero 6 ng 2019 kompara sa parehong panahon noong nakaraang taon, ayon kay Duque.

Nagtala ang DOH ng 169 kaso ng tigdas sa NCR mula Enero 1 hanggang Pebrero 6 ngayong taon, malayo sa 26 kaso na naitala noong parehong panahon noong 2018.

ADVERTISEMENT
Mula rin noong Enero, hindi bababa sa 55 pagkamatay dahil sa tigdas ang naitala sa San Lazaro Hospital sa Maynila. Karamihan sa mga namatay ay mga batang nasa tatlong buwan hanggang apat na taon ang edad.

Hindi rin bababa sa 248 bata ang nagpapagamot sa San Lazaro Hospital dahil sa naturang sakit, base sa tala noong umaga ng Martes.

Kinumpirma naman ang outbreak sa Central Luzon ni Jesse Fantone, pinuno ng Regional Epidemiology and Surveillance Unit ng DOH.

"Yes, it’s an outbreak," sabi niya.
"Yes, it’s an outbreak," sabi niya.
Sa huling tala ng DOH noong Pebrero 2, may 442 nang kaso ng hinihinalang tigdas sa Central Luzon.

Nauna nang hinimok ni Health Undersecretary Eric Domingo na pabakunahan ang kanilang mga anak laban sa nakahahawang sakit na tigdas.

Maaaring mauwi ang tigdas sa mga komplikasyong gaya ng pagtatae, pulmonya, pagkabulag at pagkamatay.

--Ulat nina Raphael Bosano at Trisha Mostoles, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
kalusugan
tigdas
outbreak
measles outbreak
National Capital Region
Central Luzon
San Lazaro Hospital
TV Patrol
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT