Daan-daang puno, pinutol umano sa Puerto Princesa | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Daan-daang puno, pinutol umano sa Puerto Princesa

Daan-daang puno, pinutol umano sa Puerto Princesa

Arlie Cabrestante,

ABS-CBN News

 | 

Updated Feb 06, 2018 10:40 PM PHT

Clipboard

Kuha ng Department of Environment and Natural Resources.

PUERTO PRINCESA - Daan-daang puno umano ang sinira ng ginagawang kalsada sa Sitio Maranat, Barangay Bacungan dito.

Bumungad ang malawakang pagputol ng mga puno nang tumungo ang Department of Environment and Natural Resources (DENR), City Environment and Natural Resources Office, at iba pang mga awtoridad sa lugar noong Biyernes.

Ayon sa Provincial Environment and Natural Resources Office, tinatayang aabot ng 7 kilometro ang ginagawang kalsada.

Base sa ginawang imbestigasyon, lumalabas na titulado ang lupa na may lawak na 300 ektarya, pero kinakailangan pa umano ito kumpirmahin sa regional office ng DENR.

ADVERTISEMENT

Gayunman, ilegal umano ang proyekto dahil wala itong permit mula sa DENR upang putulin ang mga puno.

Lumalabas pa sa imbestigasyon na nabigyan ito ng endorsement mula sa barangay para sa farm to market road.

Kuha ng Department of Environment and Natural Resources.

May bulldozer din daw na naabutan sa lugar, at hinihinalang pag-aari ng Puerto Princesa city government.

Depensa naman ng city government, nakatanggap umano sila ng sulat mula sa kumpanyang West Palawan Premier noong Marso 29, 2017. Naka-address ang sulat sa alkalde noon na si Vice Mayor Luis Marcaida III.

Nakiusap umano ang kumpanya na magrenta ng isang unit ng road grader noong Mayo 23, 2017 sa Sitio Maranat, Barangay Bacungan.

ADVERTISEMENT

Nagkaroon din umano ng contact agreement ang city government sa isang Amando Pigueroa.

Dagdag nito, nagsasagawa na rin daw sila ng sariling imbestigasyon kaugnay ng isyu.

Ayon naman sa Environmental Legal Assistance Center, tila nagkaroon umano ng kapabayaan ang mga ahensya lalo't hindi biro ang pinsalang naidulot ng konstruksyon ng kalsada.

Dagdag naman ng DENR, oras na matapos ang imbestigasyon at ginagawang imbentaryo ay tiniyak nilang may mapapanagot rito.

Kasong paglabag sa Forestry Code of the Philippines ang inihahanda ng DENR.

ADVERTISEMENT

Bukas naman ang ABS-CBN News sa pahayag ng West Palawan Premier at ni Pigueroa.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.