Tulong pinansiyal at groceries, ibinahagi sa mga nasunugan sa Maynila | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Tulong pinansiyal at groceries, ibinahagi sa mga nasunugan sa Maynila

Tulong pinansiyal at groceries, ibinahagi sa mga nasunugan sa Maynila

Jerome Lantin,

ABS-CBN News

Clipboard

Tumanggap ng tulong mula sa Manila City LGU ang mga nasunugang residente sa Sampaloc, Baseco Compound, at Sta. Ana. Screenshot mula sa Facebook account ni Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso

MAYNILA - Namahagi ang lokal na pamahalaan ng Maynila ng financial assistance at grocery items sa mga naapektuhang pamilya sa tatlong magkakahiwalay na sunog na nangyari noong isang buwan.

Ginawa ang pamamahagi sa Bulwagang Katipunan sa City Hall kung saan 70 pamilya ang nakatanggap ng tig-P10,000 mula kay Mayor Isko Moreno, at grocery items naman tulad ng bigas at canned goods mula kay Vice Mayor Honey Lacuna.

Ang tatlong magkakahiwalay na sunog sa Maynila nitong nakaraang buwan ay naganap sa Sampaloc, Baseco Compound, at sa Sta. Ana.

Ayon sa LGU, ginawa ito para kahit paano ay makapagsimula muli ang mga nasunugan, lalo’t ang ilan sa kanila ay walang naisalbang gamit.

ADVERTISEMENT

Unti-unti na rin namang bumabangon ang mga naapektuhang pamilya.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.