ALAMIN: Batas na nangangalaga sa pribadong datos | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
ALAMIN: Batas na nangangalaga sa pribadong datos

ABS-CBN News
Published Feb 01, 2019 04:25 PM PHT

May batas na nangangalaga sa personal na impormasyon ng bawat tao.

Iyan ang tinalakay sa "Usapang de Campanilla" ng DZMM nitong Huwebes.

Ayon kay Atty. Noel Del Prado, nakapaloob sa Republic Act 10173 o "Data Privacy Act of 2012" ang karapatan ng isang tao na maprotektahan ang kaniyang pribadong datos.

Layon ng batas na maprotektahan ang pribadong datos ng mga customer, tulad ng kanilang cellphone number at e-mail, maging ang tax identification number (TIN) nila, sa pagkakataong mag-a-apply sila para sa mga serbisyo tulad ng bank account o cable service.

Nakasaad din dito na hindi dapat makarating sa ibang tao ang kanilang sensitibong impormasyon.

Maaari raw kasing makuha ang ilang pribadong datos, maging ang pera ng isang kustomer sa pagkakataong may ma-click na website o kaya ay makuha ang impormasyon sa posibleng data breach sa isang kompanya.

"Kapag na-click mo, naibigay mo ang sensitive at personal information, puwede na nilang limasin ang mga deposito mo sa bangko o mag-apply ng loan sa pangalan mo. Puwede kang magkautang," ani Del Prado.

Nakapaloob din sa batas ang karapatan ang isang kostumer na magtanong kung para saan gagamitin ang kaniyang pribadong datos - na kung tawagin ay "waiver of rights."

Para naman daw sa mga paligsahan tulad ng raffle contest na kumukuha ng telephone number at maging ng e-mail ng mga indibidwal, pansamantala lamang nilang puwedeng itago ang impormasyon ng kanilang mga aplikante.

Sa batas rin mananagot ang mga mapapatunayang gumagawa ng data breach o hindi awtorisadong pagkuha ng impormasyon ng isang tao.

Ayon kay Del Prado, maaaring idulog ang mga lalabag dito sa National Privacy Commission, na ahensiya na nangagasiwa ukol sa pagpoprotekta ng sensitibong datos.

Maaaring makulong at pagmultahin mula P500,000 hanggang P4 milyon ang mga kompanya o taong lalabag dito, depende sa pananagutan.

Nagkaroon na rin ng ilang insidente kamakailan ng data breach na kinasasangkutan ng mga lokal na kompanya, kanilang mga kontes, at mga subscriber o mga mamamayang sumasali sa mga aktibidad na ito.

Read More:
PatrolPH
Tagalog News
PatrolPH
Usapang de Campanilla
DZMM
Batas Kaalaman
laws
private information
sensitive information
information protection
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT