ALAMIN: Ano ang kahulugan ng 'hit' sa NBI clearance | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Ano ang kahulugan ng 'hit' sa NBI clearance

ALAMIN: Ano ang kahulugan ng 'hit' sa NBI clearance

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Noong nakaraang linggo ay inihayag ng Metropolitan Manila Development Authority ang kagustuhan nilang ilista ang jaywalking bilang "hit" sa National Bureau of Investigation (NBI) record.

Ano nga ba ang magiging epekto ng pagkakaroon ng "hit" sa NBI record?

Ayon kay Atty. Claire Castro, magkakaroon ng bahid sa NBI record ng isang tao at magiging pahirapan para sa kaniya ang pagkuha ng NBI clearance.

Kung may "hit" ang isang aplikante, pag-aantayin ito ng ilang araw para masuri kung may record nga ba ng krimen o kapangalan niya lamang ito.

ADVERTISEMENT

Tingin ni Castro, layon ng MMDA na matakot ang mga paulit-ulit na lumalabag sa jaywalking sa Kamaynilaan.

"Kapag nalaman nila may kulong [ito] medyo may takot, pag mayroong ganitong kaso, matatakot sila," aniya.

Ang NBI record ay basehan sa pagkuha ng NBI clearance, na karaniwang hinihingi ng mga employer o paaralan para matiyak na hindi sangkot sa krimen ang isang aplikante.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.