Bomb threat sa 2 paaralan sa Quezon City iniimbestigahan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Bomb threat sa 2 paaralan sa Quezon City iniimbestigahan

Bomb threat sa 2 paaralan sa Quezon City iniimbestigahan

ABS-CBN News

Clipboard

Mga guro at estudyanteng lumikas kasunod ng bomb threat sa Ponciano Bernardo Elementary School sa Quezon City noong Enero 26, 2023. Jonathan Cellona, ABS-CBN News
Mga guro at estudyanteng lumikas kasunod ng bomb threat sa Ponciano Bernardo Elementary School sa Quezon City noong Enero 26, 2023. Jonathan Cellona, ABS-CBN News

Iniimbestigahan ng Quezon City Police District (QCPD) ang insidente ng bomb threat sa 2 paaralan sa lungsod.

Nakatanggap nitong madaling-araw ng Huwebes ng bomb threat ang Ponciano Bernardo High School sa Barangay Kaunlaran sa Cubao.

Base sa spot report, alas-4 ng madaling araw nang may mag-post sa Facebook account ng eskuwelahan ng linyang, "May tinanim ako na bomba sa elementary, sasama tayong mauubos."

Dahil sa kumalat na impormasyon, nagpuntahan ang mga magulang sa eskwelahan para agad sunduin ang mga anak.

ADVERTISEMENT

May dumating ding bomb squad sa paaralan pero makalipas ang 2 oras na paghahanap ay walang bombang nakita kaya itinuring na hoax ang banta.

Kasalukuyang inaalam ng QCPD kung sino ang gumawa ng threat. Dummy account kasi umano ang ginamit ng suspek.

Iniimbestigahan din ng pulisya kung may kaugnayan ang banta sa exam week ngayong linggo, lalo't noong Miyerkoles ay nakatanggap din ng bomb threat ang San Francisco High School sa Barangay Sto. Cristo.

— Ulat ni Zyann Ambrosio, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.