Jaywalking, gustong gawing NBI record 'hit' ng MMDA | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Jaywalking, gustong gawing NBI record 'hit' ng MMDA

ABS-CBN News
Published Jan 25, 2019 05:06 PM PHT

Nitong linggo ay pinalutang ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang panukalang ilista bilang 'hit' sa National Bureau of Investigation (NBI) record ng mga mahuhuling jaywalkers ang kanilang paglabag na tumawid sa hindi tamang tawiran.

Ayon kasi sa MMDA, higit 50,000 ang naitalang jaywalker noong nakaraang taon, at pumalo na agad ito sa 4,000 sa unang buwan pa lang ng 2019.

Ang NBI clearance ay isang dokumentong madalas hinihingi ng mga establisimyento o paaralan upang matiyak na walang kinasasangkutang krimen ang isang aplikante.

Pero ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, wala pang konkretong batas na nagbabawal sa jaywalking maliban sa isang MMDA regulation.

"May problema tayo kasi kausap natin ang mga lawyers, sabi nila kailangan may criminal case. So kailangan idinemanda... So far wala kasing batas, ang meron lang MMDA regulation," ani Garcia sa isang panayam.

Sa Enero 31, magkakaroon ng pagpupulong ang Metro Manila Council na kinabibilangan ng MMDA at mga alkalde ng mga munisipalidad sa Kamaynilaan upang talakayin ang panukala ng MMDA.

Doon ay pakikiusapan daw ni Garcia ang mga local government unit na magpasa ng ordinansa kontra jaywalking para sa gayon ay mademanda nila ang mga susuway dito at magkaroon sila ng criminal record.

Read More:
PatrolPh
Tagalog news
balita
Metropolitan Manila Development Authority
MMDA
jaywalking
batas
NBI
National Bureau of Investigation
NBI clearance
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT