Asong na-trap sa drainage system sa Bicol, sinagip | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Asong na-trap sa drainage system sa Bicol, sinagip

Asong na-trap sa drainage system sa Bicol, sinagip

Mylce Mella,

ABS-CBN News

 | 

Updated Jan 25, 2019 01:06 AM PHT

Clipboard

NAGA CITY, Bicol - Nasagip ang isang asong na-trap sa drainage canal sa lungsod nitong Martes.

Nakunan ng cellphone video ni Mary France Rabano ang pagsagip dito ng Public Safety Officer na si Jose Marie Bragais na pansamantalang iniwan ang pagmando ng trapiko.

Katulong niya ang ilang opisyal ng Barangay San Francisco. Tiyempo ang pagdating ng mga rescuer dahil papataas na ang lebel ng tubig sa Naga River noong mga oras na iyon.

"Nakita ko kawawang-kawawa yung aso kasi sobrang basang-basa na, kaya ginawan ko ng paraan," ani Bragais.

ADVERTISEMENT

Dog lover din si Bragais, pero aminado siyang nagdalawang-isip noong una dahil baka kagatin din daw siya ng aso. Dahan-dahan umano ang kaniyang paglapit. Nang makuha niya na ang tiwala ng aso, saka niya na ito nilagyan ng lubid at binuhat pataas.

Umani ng papuri mula sa netizens ang mabuting ginawa ng mga sumagip sa aso.

Nakilala ang aso na si Peanut, 11-anyos na may lahing labrador. Ayon sa may-ari na si Blessy Lerio, sanay si Peanut na maglakad-lakad sa kanilang lugar tuwing umaga, pero ipinagtaka niya ang hindi nito pagbalik noong araw na iyon.

"After 30 minutes bumabalik na siya. Nagtataka ako after naming mag market 7am na bakit wala pa si Peanut. Sabi ko sa assistant ko ne hanapin mo si Peanut," ani Blessy.

Labis ang pagpapasalamat ni Blessy sa pagkakaligtas sa kanilang alagang si Peanut, lalo pa at namatay na ang kasama nitong aso na si Butter. Katulong din daw nila si Peanut sa pagbabantay ng kanilang bahay.

Para hindi na maulit ang nangyari, plano ni Blessy na samahan o pasamahan na si Peanut kung maglalakad-lakad ito para makapag-ehersisyo.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.