Botika, pinasok ng kawatan, suspek nahuli | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Botika, pinasok ng kawatan, suspek nahuli

Botika, pinasok ng kawatan, suspek nahuli

Francis Canlas,

ABS-CBN News

Clipboard

Nakakulong na ngayon si Jack Galbey matapos na mahuling nanloob ng isang botika sa General Santos City noong Lunes, Enero 22, 2018. Francis Canlas, ABS-CBN News

GENERAL SANTOS CITY – Sa kulungan ang bagsak ng isang lalaki matapos na manloob sa isang botika nitong Lunes.

Nakilala ang suspek na si Jack Galbey ng Quezon City. Nahuli siya ng awtoridad ala-1:30 ng madaling araw.

Pinasok ni Galbey at kasamahan niyang si Leo Pungas ang isang botika sa J. Catolico Avenue sa Barangay Lagao.

Nakatawag agad ng pulis ang guwardiya matapos na tumunog ang alarm ng botika. Hindi na naitanggi ni Galbey ang akusasyon dahil nakita siyang lumabas ng botika at nakipaghabulan pa bago ito nasukol ng mga pulis.

ADVERTISEMENT

Itinuro ng suspek ang kasamahan nyang nakatakas na siyang pasimuno sa krimen. Nitong Linggo lang dumating sa General Santos ang magkaibigan. Nagawa lang daw niyang sumama dahil gipit siya at kailangan umanong operahan ang kanyang misis.

Duda naman ang mga pulisya sa palusot ni Galbey at naniniwala silang planado ang pagnanakaw.

Iniimbestigahan ng mga pulis kung may kinalaman din ang mga suspek sa pag-ransack sa mga katabing establisyimento noong nakaraang taon.

Nahaharap sa kasong robbery ang suspek.

Tumangging magbigay ng pahayag ang pamunuan ng pharmacy. Pero nagsasagawa na sila ng imbentaryo kung may mga nawala sa kanila.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.