Pinsan ni Duterte, kinasuhan dahil sa paglabag sa utos ng CSC | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pinsan ni Duterte, kinasuhan dahil sa paglabag sa utos ng CSC

Pinsan ni Duterte, kinasuhan dahil sa paglabag sa utos ng CSC

Joyce Balancio,

ABS-CBN News

Clipboard

Sinampahan ng kaso ng Office of the Ombudsman ang 2nd degree cousin ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Danao City, Cebu Mayor Ramonito Duterte Durano III sa Sandiganbayan.

Kasong paglabag sa section 67, Book 5 ng Executive Order 292 na may kinalaman sa section 121 ng revised rules on administrative cases in the civil service ang isinampang kaso.

Kaugnay ito sa umano'y hindi pag-iimplementa ni Durano noong Pebrero 2015, bilang mayor ng Danao City, ng isang resolusyon ng Civil Service Commission Regional Office na nag-uutos na pabalikin na sa kanilang puwesto ang ilang empleyado ng lungsod.

Dahil final at executory na ang resolusyon, ipinag-uutos na rin nito na bayaran rin ng back wages ang mga empleyado, leave credits at iba pang benepisyo.

ADVERTISEMENT

Ayon sa impormasyon ng kaso, ginamit ni Durano ang kaniyang posisyon bilang alkalde para hindi sundin ang resolusyon ng CSC at hindi ibalik sa pwesto ang ilang empleyado.

Tatlong testigo mula sa city administator's office at isang records officer ng CSC ang ihaharap na witnesses ng prosekusyon sa kaso.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.