Lagay ng mga OFW, tatalakayin ng Kuwait ministry kasunod ng deployment ban | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Lagay ng mga OFW, tatalakayin ng Kuwait ministry kasunod ng deployment ban

ABS-CBN News
Published Jan 22, 2018 11:49 PM PHT
|
Updated Jul 17, 2019 01:47 PM PHT

Pinatawag ng Kuwait Ministry of Foreign Affairs ang Philippine Ambassador sa Kuwait matapos magbaba ng deployment ban ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa bagong overseas Filipino workers (OFW) na patungong Kuwait.

Gustong tiyakin ng Kuwait Ministry of Foreign Affairs kay Philippine Ambassador Renato Pedro Villa na handang pag-usapan ng gobyerno ng Kuwait ang mga problema ng mga manggagawang Pinoy.

Ito'y matapos ipag-utos ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang deployment ban ng mga OFW sa Kuwait dahil sa ulat na pitong OFW ang magkakasunod na namatay roon.

Sa panayam naman ng DZMM nitong Lunes, nilinaw ni Bello na hindi damay sa deployment ban ang mga balik-OFW o mga nagbakasyon lamang sa Pilipinas.

ADVERTISEMENT
"Mayroong mga kababayan tayo na gustong magbakasyon, sabi ko, ok lang 'yong balik-manggagawa po," ani Bello. "Sabi ko po sa atin labor attaché na bilis-bilisan [ang imbestigasyon] kasi gustong malaman ng pangulo kung ano talagang nangyari, sa loob ng dalawang buwan lamang, apat sa ating mga kababayan ang nagbigti."

Umalma ang ilang Pinoy at maging ang ilang OFW advocacy group dahil idinamay sa deployment ban pati mga skilled worker.

Ayon kay Mary Ann Abunda ng Sandigan Kuwait, dapat ay para lang sa bagong domestic workers ang suspensiyon.

Sabi naman ni Dr. Chie Umandap ng AKO-OFW Kuwait, hindi dapat sinuspende ng DOLE ang pagbibigay ng overseas employment certificate.

Para sa mga kinatawan ng manpower agencies, hindi sagot ang deployment ban sa problema ng distressed household service workers (HSW).

Paliwanag ni Ana Del Mundo ng Philippine Society of Marketing Specialists-Kuwait, mas mabuting isulong ng gobyerno ang unified contract at pagkakaroon ng bilateral agreement para magkaroon ng proteksiyon ang mga HSW sa Kuwait.

Pero may ilan ding pabor sa deployment ban tulad ni Maricar Andalan na isang HSW at nakakita kung paano minamaltrato ang iba niyang kapwa HSW sa Kuwait.

Sa kabila rin ng umiiral na batas para sa domestic workers sa Kuwait, patuloy pa rin ang pagtakbo ng mga inaabusong HSW sa Philippine Overseas Labor Office-Overseas Workers Welfare Administration shelter na ngayo'y kumakalinga sa 300 HSW.
Inaantabayanan ang magiging resulta ng pag-uusap ng Kuwait at Pilipinas para sa proteksiyon ng tinatayang 250,000 OFW sa Kuwait, kabilang na ang 165,000 HSW.

-- Ulat nina Maxxy Santiago at Oman Bañez, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
TV Patrol
TV Patrol Top
Maxxy Santiago
OFW
overseas Filipino worker
hanapbuhay
trabaho
labor
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT