Lalaki tiklo sa umano'y pangha-harass ng ex-girlfriend, anak nito | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Lalaki tiklo sa umano'y pangha-harass ng ex-girlfriend, anak nito

ABS-CBN News
Published Jan 19, 2023 12:07 AM PHT

MAYNILA — Isang lalaki ang hinuli nitong Miyerkoles sa Taguig City dahil sa umano'y pangha-harass sa dati niyang kasintahan at pag-hack sa social media account ng anak ng huli.

Ayon sa PNP Anti-Cybercrime Group, nakipaghiwalay ang suspek ilang buwan na ang nakararaan at gusto umano ngayong makipagbalikan sa babaeng nagsampa ng reklamo.

Matapos tanggihan, hinack umano ng suspek ang social media account ng anak ng dating girlfriend at nagpo-post doon ng mga bastos na bagay at mensahe.

“The photos of yung mga pamangkin niya, nilalagyan ng caption ni suspek, whereby parang binebenta,” ani Anti-Cybercrime Group P/Capt. Michelle Sabino.

Nanakot pa umano sa mga phone call ang suspek at nagdemanda itong magkita sila sa Taguig. Dito na nahuli ang suspek sa isang entrapment operation.

Ayon kay Sabino, mahaharap ang lalaki sa kasong paglabag ng Republic Act 9262 o Anti-Violence Against Women and Children Act, at Bawal Bastos Law.

"Illegal access, kasi nga 'yung cellphone ng anak ng biktima ay ginamit niya without the permission nung anak, at grave threat,” dagdag pa ni Sabino.

— Ulat ni Jeck Batallones, ABS-CBN News
MULA SA ARCHIVE
Read More:
Taguig City
PNP
Anti-Cybercrime Group
Anti-Violence Against Women and Children Act
Bawal Bastos Law
PNP ACG
hacking
harassment
crime
krimen
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT