COVID-19 isa na sa mga pangunahing sanhi ng pagkamatay ng mga Pinoy —PSA | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
COVID-19 isa na sa mga pangunahing sanhi ng pagkamatay ng mga Pinoy —PSA

ABS-CBN News
Published Jan 19, 2022 06:28 PM PHT
|
Updated Jan 19, 2022 07:04 PM PHT

Isa na ang COVID-19 sa mga pangunahing dahilan ng pagkamatay ng mga Pilipino, batay sa ulat na inilabas kamakailan ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Ayon sa PSA, ang COVID-19 ang ikatlong nangungunang dahilan ng pagkamatay sa Pilipinas noong 2021.

Higit 51,000 na indibidwal o 8.5 porsiyento ng 604,000 na namatay mula Enero hanggang Oktubre 2021 ay dahil sa mga komplikasyong dala ng COVID-19.

Nasa 3.9 porsiyento naman o halos 24,000 tao ang namatay dahil sa hinihinalang COVID-19, sabi ng PSA.

ADVERTISEMENT
Ayon sa datos ng PSA, mula Enero hanggang Oktubre ng 2020, 7,357 tao ang pumanaw dahil sa COVID-19.

Pero tumaas ito nang halos 6 na beses kompara sa mga parehong buwan noong 2021 o 51,514 pagkamatay.

Karamihan umano sa mga namatay sa COVID-19 ay nasa National Capital Region (18,044) habang pumangalawa ang Calabarzon (16,630) at pangatlo ang Central Luzon (14,252).

Sa loob ng Metro Manila, pinakamaraming COVID-19 deaths ang Quezon City (3,955), Maynila (2,558) at Pasig (1,832), ayon sa PSA.

Sa pinakahuling tala ng Department of Health (DOH), mula umpisa ng pandemya hanggang sa kasalukuyan, 53,044 na ang namatay dahil sa COVID-19.

Ayon sa DOH, sa mga namatay dahil sa COVID-19, 92.3 porsiyento ang hindi pa nababakunahan o partially vaccinated pa lang.

"'Yong COVID, nagmimistulang na lang siyang trangkaso as long as bakunado na ang nakararami at mayroon tayong mga gamot na pangsalo doon sa mga nagiging severe at critical pa," ani Dr. Edsel Salvana ng DOH technical advisory group.

Sa mga kasalukuyang naka-confine sa mga ospital dahil sa COVID-19, 84 porsiyento ang hindi pa nababakunahan laban sa virus.

Samantala, sakit sa puso pa rin ang leading cause of death sa Pilipinas habang pangalawa naman ang cerebrovascular disease.

Bukod sa mga ito, marami ring namamatay dahil sa tumor, diabetes, hypertension at pneumonia.

— Ulat ni Katrina Domingo, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT