Ayuda sa mga sapul ng taas-presyo ng petrolyo, tapos na: DOF | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Ayuda sa mga sapul ng taas-presyo ng petrolyo, tapos na: DOF

Lady Vicencio,
ABS-CBN News
Published Jan 18, 2023 04:29 PM PHT

Kinumpirma ngayong Miyerkoles ng Department of Finance na tapos na ang Targeted Cash Transfer (TCT) program para sa mga mahihirap na pamilyang lubhang naapektuhan ng mataas na presyo ng produktong petrolyo.

Sinimulan noong Hulyo ng nakaraang taon ang buwanang pamimigay ng P500 bilang tugon ng pamahalaan sa pagsipa ng presyo ng mga bilihin kaugnay ng giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine.

May sumatotal na P18.3 bilyon ang naipamigay na ayuda sa 9.2 milyong household beneficiaries.

Bukod sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), nakinabang din ang mga Pilipino na mababa ang kinikita at mga pamilyang mahihirap na hindi kasama sa 4Ps.

Pero ayon kay Finance Secretary Benjamin Diokno, nakababawi na ang ekonomiya ng Pilipinas at nagiging stable na ang presyuhan ng langis sa world market kaya pagtutuunan naman ng pansin ang seguridad sa pagkain at pagpigil sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Ayon sa kagawaran, bumaba na ang presyo ng langis noong Disyembre 2022 kompara noong Marso 2022.

Pagdating naman sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin, sinabi ng DOF na nagkakaproblema sa supply dahil bumabalik na ang sigla ng domestic consumption kasunod ng pagbubukas ng mga industriya.

Base sa joint memorandum para sa TCT program, 6 na buwan lang talaga magtatagal ang pamamahagi ng ayuda sa ilalim ng programa.

Nilinaw ng DOF na panandaliang solusyon lang ito at nakadepende kung may pondo ang gobyerno.

Pero tuloy pa rin ang pagbibigay ng fuel subsidy sa transport sector na may pondo nang P3 bilyon para sa 2023.