PANOORIN: Banaue-Bontoc Road sa Ifugao, hindi madaanan dahil sa landslide | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

PANOORIN: Banaue-Bontoc Road sa Ifugao, hindi madaanan dahil sa landslide

PANOORIN: Banaue-Bontoc Road sa Ifugao, hindi madaanan dahil sa landslide

ABS-CBN News

Clipboard

Patuloy ang clearing operations ng mga awtoridad sa nangyaring pagguho ng lupa sa isang bahagi ng Banaue-Bontoc Road sa Ifugao. 📷: PNP Ifugao
Patuloy ang clearing operations ng mga awtoridad sa nangyaring pagguho ng lupa sa isang bahagi ng Banaue-Bontoc Road sa Ifugao. PNP Ifugao

Hindi madaanan ang isang bahagi ng Banaue-Bontoc Road nitong Lunes, Enero 16, matapos gumuho ang lupa dahil umano sa patuloy na pag-ulan sa Banaue, Ifugao.

Sa video na ibinahagi ng Ifugao Police Provincial Office-Police Community Affairs and Development Unit (PCAD Unit), kuha ang aktuwal na pagkatibag ng lupa sa bahagi ng bundok sa Sumigar Section, Banaue.

Pagguho ng lupa sa Banaue, Ifugao. 📷: Ifugao PPO PCADUNIT

Bumara ang lupa, bato at mga nabuwal na puno sa bahagi ng kalsada sa naturang lugar kaya pansamantalang isinara sa mga motorista ang kalsada.

“Kahapon pa close and open [ang daan] kasi maya-maya gumuguho. Lumawak ‘yung landslide dahil sa ulan,” sabi ni Police Executive Master Sergeant Rolando Bongallon.

ADVERTISEMENT

Ifugao PPO PCADUNIT
Ifugao PPO PCADUNIT

Stranded ngayon ang ilang motorista na karamihan ay papuntang Sagada, Mountain Province.

“Karamihan ng stranded dito ay papuntang Sagada. Naghihintay kung pwedeng ma-open ‘yung landslide. As of now hindi natin ma-estimate kasi ‘yung mga iba aalis tapos kinaumagahan babalik na naman uli, naghahanap sila ng re-route nila. Pero medyo mahaba po ‘yung mga sasakyan na naghihintay,” ani Bongallon.

Sa update ng Banaue Police nitong Lunes ng hapon ay patuloy pa rin ang clearing operations ng DPWH.

PNP Ifugao
PNP Ifugao

“Nahihirapan ‘yung dalawang payloader na nagtatanggal ng landslide, magkabilaan ‘yun… Pwede silang mag-reroute kaya lang mahaba-haba na kasi iikot sila. Pwedeng dadaan ng Kiangan papunta ng Tinoc, then Tinoc to Buguias,” dagdag pa ni Bongallon.

Ayon sa PAGASA, epekto pa rin ng Hanging Amihan ang nararanasang pag-ulan sa Hilagang Luzon. — Ulat ni Harris Julio

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.