'Mental health pahalagahan habang naka-academic break' | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Mental health pahalagahan habang naka-academic break'

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Kamakailan ay sinuspinde ng Department of Education ang klase sa Metro Manila, para mapagaan ang pasanin sa physical at mental health na sanhi ng pangtaas ng mga kaso ng COVID-19.

Para sa mental health advocate na si Dr. Bernadette Manalo, ang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 ay may epekto sa isip ng mga tao lalo na sa mga nagpopositibo.

Dahil dito, mahalaga aniya ang pahinga at support system ng pamilya at mga kaibigan lalo na sa mga naoospital at walang kasamang kaanak.

"We are not spared of feeling worried, anxious and of course frustrated lalo na kapag tayo ay naging positive sa COVID test. 'Yun ang pinakamalungkot lalo na kung nag-iisa ka sa quarantine o naadmit ka sa hospital na mag-isa," ani Manalo, na isang psychiatrist.

ADVERTISEMENT

Dahil dito, payo niya na samantalahin ang pahinga at laging makipag-ugnayan sa pamilya, kaanak, at mga kaibigan.

"Sa panahon ngayon medyo mataas ang anxiety and depression sa mga kabataan. Importante that we stay focused and make sure lang na we stay hopeful and resilient. Kasi ngayon ang kalaban natin ang ating isip. Kapag hindi maganda ang ating isip ay ang ating katawan ay bibigay din sa stress, sa burn out," ani Manalo.

Importante rin ang family bonding at mga aktibidad sa loob ng bahay para maging abala at maaliw ang mga bata.

-- Ulat ni Wheng Hidalgo, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.