Nasa 2,000 kilo ng umano'y bulok na karne ng manok at baboy, itinapon sa ilog sa Camarines Sur | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Nasa 2,000 kilo ng umano'y bulok na karne ng manok at baboy, itinapon sa ilog sa Camarines Sur

Nasa 2,000 kilo ng umano'y bulok na karne ng manok at baboy, itinapon sa ilog sa Camarines Sur

Mylce Mella,

ABS-CBN News

Clipboard

BATO, Camarines Sur - Inireklamo ng mga residente ng Barangay Agos, Bato, Camarines Sur ang mabahong amoy na nanggagaling sa ilog ng Agos.

Ayon kay Salvacion Bucad, noong weekend napansin nila ang mga lumulutang na mga karne ng baboy at manok na itinapon sa ilog.

Dahil dito, tiniis na lamang nila ang mabahong amoy habang nagtatanim ng pakwan.

“Mabaho, palaging naka-ano yung amoy. Palaging masakit yung tiyan, umuuwi na kami kasi masama nga yung amoy.” Ani Salvacion

ADVERTISEMENT

Hindi na rin sila kumukuha pa ng tubig sa ilog na pambuhos sana sa takot na ma-contaminate ang kanilang pananim.

Ang mga itinapon na bulok na mga karne, mayroong mga nasa loob ng plastic na may brand ng isang poultry company, habang mayroon ring nakalutang sa tubig at iniwan sa pampang.

Nanawagan si Barangay Bato Chairman Rick Pontillas na huwag gawing tapunan ang ilog.

“Wag niyong gawin yan. Gawan niyo ng tamang proseso. Kung hindi na pupwede [yung mga karne], huwag niyong ipagkalat sa ano dahil grabeng epekto sa tao," aniya.

Nababahala naman ang pinuno ng Sagip Kalikasan Task Force ng Camarines Sur na si Domingo Pillonar sa posibleng maging epekto nito, lalo pa at sa dulo ng Agos River ang Lake Bato.

ADVERTISEMENT

“Kung saan may mga fish cage tayo, hindi natin alam kung ano ang epekto nito sa fish cage industry ng bayan ng Bato dahil nabubulok na itong mga dressed chicken na ito," ani Pilonar.

Nagtulong-tulong ang mga taga-barangay at Sagip Kalikasan na ibaon sa lupa ang naipon na mga karne para mabawasan na ang mabahong amoy. Pero kaunti na lamang ang natira sa tinatayang nasa 2,000 kilo dahil inanod na sa ilog ang iba.

Maliban sa kontaminasyon sa tubig, ayon kay Environmental Offircer Franz Fortuno ng Department of Environment and Natural Resources Iriga, may dalang polusyon sa lupa at hangin ang mga itinapon sa ilog na mga bulok na karne.

“Yung sa air, 'di ba syempre pag nasa advanced state of decomposition nay yan, mabaho na yan. Delikado sa mga bata, sa mga matatandang may sakit," aniya.

Ayon kay Dr. Alex Templonuevo, pinuno ng National Meat Inspection Service-Bicol, mali ang ganitong klase ng meat disposal.

ADVERTISEMENT

“Binabaon yan at hindi malapit sa mga bodies of water. At may desired lalim kasi baka kutkutin ng aso. “

Hindi malaman ng mga residente kung kailan at saan eksaktong itinapon ang mga karne.

Pero susubukan ng NMIS na matukoy kung sa meat dealer o sa dressing plant galing ang itinapon na karne.

Ipapatawag din ng ahensya ang representative ng poultry company kung may kinalaman sila sa insidente.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.