Health workers sa ilalim ng DOH, umapela para ma-regular sa trabaho | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Health workers sa ilalim ng DOH, umapela para ma-regular sa trabaho

ABS-CBN News
Published Jan 14, 2018 08:32 PM PHT
|
Updated Apr 24, 2019 03:14 PM PHT

Umapela ang mga health worker na nagtatrabaho sa ilalim ng Department of Health (DOH) na sila'y gawing regular sa trabaho upang matiyak ang seguridad sa kanilang pinagkakakitaang propesyon.

Nasa higit 200,000 health workers, kabilang ang mga doktor at nars, ang kontraktuwal sa ilalim ng human resources program ng DOH.

Ang iba rito'y tawid-dagat pa at nasa mga liblib na bundok para magpatupad ng mga programang pangkalusugan ng pamahalaan.

Ayon sa isang grupo ng mga nars, P31,000 ang kanilang suweldo pero nakakaltasan pa ito at bumababa sa P21,000.
Ayon sa isang grupo ng mga nars, P31,000 ang kanilang suweldo pero nakakaltasan pa ito at bumababa sa P21,000.
ADVERTISEMENT
Wala umanong benepisyong natatanggap ang mga manggagawa at kada anim na buwan ang renewal ng kontrata.

"Hindi nila malaman na 'pag Pasko na, imbes na nag-se-celebrate sila ng Pasko, takot na takot sila na mawawalan sila ng trabaho sa Enero," sabi ni Leah Paquiz, pinuno ng Ang Nars party-list.

Sa isang forum, nanawagan din ang ilang miyembro ng programa kay Pangulong Rodrigo Duterte na bigyang pansin ang kanilang karaingan.

Dahil sa nangyayari, nadidismaya ang ilang nagtapos ng nursing na pumasok sa programa ng DOH.

Ang nursing graduate na si Benjie Foscalbo, mas pinili na lang magnegosyo.

"'Paano pa kami makakapagbigay ng maayos na serbisyo kung 'di naman namin nakukuha 'yong karaptan namin?" sabi ni Foscalbo.

Hindi pa nagbibigay ng pahayag ang DOH sa isyung idinudulog ng mga health worker.

-- Ulat ni Abner Mercado, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
balita
Department of Health
DOH
health workers
kalusugan
trabaho
regularization
labor
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT