7 Chinese, 1 Pinoy timbog sa 'pagpatay, paghalay, pagdukot' sa POGO workers | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
7 Chinese, 1 Pinoy timbog sa 'pagpatay, paghalay, pagdukot' sa POGO workers

ABS-CBN News
Published Jan 13, 2021 08:17 PM PHT

MAYNILA – Arestado ang 7 Chinese at isang Pilipino na sangkot umano sa pagpatay, paggahasa, at pagdukot sa ilang Chinese na Philippine offshore gaming operator (POGO) workers sa San Pedro, Laguna.

Isa sa naging biktima nila si Lyu Long, supervisor sa isang POGO.

Disymebre 23 nang dinampot si Long kasama ang assistant niyang babae.

Pinaghahampas umano ng mga kidnappers ang kanyang mukha at tinakot na papatayin kung hindi makakabayad ng ransom money.

Pero bangkay na raw nang matagpuan si Long sa Talisay, Batangas matapos hindi mabayaran nang buo ang ransom money. Halos hindi na makilala ang katawan matapos brutal na pinagsasaksak sa mukha at pinugutan.

"Humingi po sila ng allegedly 1 million yuan... Nakapagbigay sila ng 403,000 yuan, du'n akala mare-release 'yung dalawa. Unfortunately hindi na-release... January 7 naka-receive ng info ang security manager na one of the kidnap victims had been killed," ani Police Lt. Col. Jay Dimaandal, deputy chief ng Anti-Organized Crime Unit-Criminal Investigation and Detection Group.

Sa follow-up operation sa magkahiwalay na lugar sa Luguna ay nahuli ang 8 suspek.

Ayon sa pulisya, galing mainland China ang Xiaopei-Nanlu Chinese kidnap-for-ransom group.

"Ang modus nitong Chinese kidnappers, mag-a-apply as POGO workers sa atin sa Pilipinas, pag natanggap na sila maghahanap sila ng prospect nila na kikidnapin... Unfortunately this kind of group na kahit sino magbayad ng ransom, pinapatay din po nila kasi nga po identified na sila," ani Dimaandal.

Hustisya ang panawagan ng na-rescue na babaeng Chinese na umano'y biktima rin ng panggagahasa.

Aminado naman ang Pilipinong suspek sa modus ng grupo at sinabing siya pa ang inutusang pumatay sa biktima.

Nahaharap sa patong patong na kaso ng kidnapping for ransom, murder, frustrated murder, rape at illegal possession of firearms ang mga suspek.

–Ulat ni Angel Movido, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT