Mga Pinoy nagbigay pugay sa yumaong Pope Emeritus Benedict XVI | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga Pinoy nagbigay pugay sa yumaong Pope Emeritus Benedict XVI

Mga Pinoy nagbigay pugay sa yumaong Pope Emeritus Benedict XVI

Rose Eclarinal | ABS-CBN Europe News Bureau

Clipboard

VATICAN - Sa huling gabi ng public viewing at burol ni Pope Emeritus Benedict XVI may 35,000 ang dumagsa para sa huling paalam sa namayapang Santo Papa.

Alas siyete ng gabi nagsara ang lying-in-state pero nakahabol ang Pinay na si Liezel Hernandez, taga-Roma at aktibo sa mga parokya rito.

“Humabol lang ako dahil nga nag work, very limited yung oras ko. Gusto ko rin na kahit papaano makita ko si Pope Benedict. Isa sa magagaling na Pope na nakilala ko at iba yung pakiramdam mo rin na nagmahal sa ating lahat, hindi man natapos yung pagiging Pope niya, pero very special siya para sa akin,” sabi ni Hernandez.

Sa huling gabi ng pagpupugay sa Santo Papa na bumaba sa puwesto noong 2013 dahil sa pagbagsak ng kanyang kalusugan, inalala ng maraming ang kanyang kontribusyon sa Simbahang Katolika na humaharap din sa maraming hamon.

ADVERTISEMENT

a11
Photo by Thirdy Ado

a44
Photo by Thirdy Ado

a55
Photo by Thirdy Ado

a66
Photo by Thirdy Ado

Para sa mga taga-Vatican, mas napamahal pa raw sila sa Santo Papa sa kanyang pagpanaw.

“People tend to forget na si Pope has served nine years before his momentous decision to retire from the papacy. You cannot discount the contribution he's had in terms of the doctrine and practice sa Church. He's a well-recognized theologian and for that, his scholarship sa ideas about the church and the principles of the church are something that would've impacted a lot on both the religious and the lay people, who are students themselves,” wika ni Ambassador Myla Macahilig, Philippine ambassador to The Holy See.

“I think Pope Benedict is very much appreciated now than he was Pope, after his retirement, everybody is appreciating his holiness: his silence, his prayer and Pope Francis also wanted to have him in this Vatican house as if to have a grandfather with a lot of wisdom, and that is the power of Pope Benedict,” sabi ni Fr. Aji Raphael, Indian priest.

“Yung nafi-feel ko is iba. Para bang hindi ko ma-express ang feeling ko no nag-recite ako ng rosary. Madali lang kami doon siguro ten minutes lang kami sa loob,” saad ni Sister Lenilia Asidoy, dumayo sa St. Peter’s Basilica.

Requiem Mass at Libing Noong January 5, si Pope Francis ang nanguna sa Requiem Mass sa St. Peter’s Square, nagbigay ng sermon o homily at ng final commendation and farewell.

Hango kay San Lucas ang pagbasa ng ebanghelyo kung saan nakasulat ang huling wika ni Jesus: “Into your hands I commend my spirit’, na malapit sa huling mga salita ni Pope Benedict XVI na “Lord, I love you.”

Requiem Mass
Photo from Vatican Media

Pope Francis
Photo from Vatican Media

a66
Photo by Thirday Ado

Ayon rin sa Vatican press office, kasamang inilibing ni Pope Benedict ang ‘The Pallium,’ ang simbolo ng ecclestical jurisdicton at espesyal na relasyon sa Santo Papa; ang commemorative coins at medals sa kanyang papacy at ang 'rogito' o deed: ang written words, na naglalarawan ng kanyang pontificate.

Ang makasaysayang Misa ay alinsunod sa paglilibing sa isang Santo Papa pero may kaunting pagbabago dahil siya isang ex-pontiff o bumaba na sa puwesto.

Sa pagtatapos ng Requiem Mass, ang mga labi ni Pope Benedict XVI ay dinala sa loob ng Basilica, ipinasok sa zinc coffin at saka inilagay uli sa wooden case.

Zinn coffin
Photo from Vatican Media

welding
Photo from Vatican Media

sealing2
Photo from Vatican Media

Blessing
Photo from Vatican Media

kabaong
Photo from Vatican Media

final resting place2
Photo from Vatican Media

Nilibing siya sa tomb na dating libingan ni Pope John Paul II bago ang kanyang beatification. Ito ang kahilingan ni Pope Benedict XVI.

(Kasama ang mga larawan ni Thirdy Ado at Vatican Media)

Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa Italy, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.

KAUGNAY NA VIDEO:

Watch more News on iWantTFC

Read More:

TFC News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.