Deboto at supporters ng yumaong Santo Papa humihiling ng ‘Santo Subito' | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Deboto at supporters ng yumaong Santo Papa humihiling ng ‘Santo Subito'

Deboto at supporters ng yumaong Santo Papa humihiling ng ‘Santo Subito'

Rose Eclarinal | ABS-CBN Europe News Bureau

Clipboard

VATICAN - Tinutukan ng mundo ang libing ni Pope Emeritus Pope Benedict XVI. Dumayo sa Vatican ang higit isang libong media mula sa 30 bansa.

Matapos ng Requiem Mass para sa libing ng namayapang Santo Papa noong Huwebes, January 5, na tumagal higit isang oras, pinalakpakan ang namayapang Santo Papa at ang kanyang mga taga-suporta at tagahanga ay sumigay ng ‘Santo Subito’ na humihingi na agad na gawing santo ang yumaong Papa.

B11
Photo by Thirday Ado

Sa mga dumalo sa misa, huling nakita ang kabaong ng yumaong Santo Papa nang ipasok ito sa Saint Peter’s Basilica. Dito naging pribado ang libing at saka ibinahabi ng Vatican Media ang mga lawaran at video ng libing.

last rites1
Photo from Vatican Media

LAST RITES2
Photo from Vatican Media

LAST RITES3
Photo from Vatican Media

'DI MAKAKALIMUTANG KARANASAN

Kabilang sa libo-libong naghatid sa huling hantungan sa Papa ay mga Pilipinong Katoliko galing sa iba’t ibang panig ng mundo.

ADVERTISEMENT

“Nakakatindig balahibo mapi-feel mo talaga yung presence ng ang daming tao ang daming nakikiisa para kay Pope Benedict,” sabi ni Moises Kalalo, naka-dalo sa Requiem Mass.

“Malungkot po dahil mabait po yung Santo Papa, sumalangit nawa po ang kanyang kaluluwa,” sabi ni Margarita Dalisay, dumalo sa Requiem Mass.

b12
Photo by Thirdy Ado

“It’s significant especially with Benedict because he was the Pope throughout most of my childhood. His writings basically are the reason why my faith is the way it is today so I wanted to be here for him,” wika ni Elisa Crye, dumalo sa libing.

Pinamunuan ni Philippine Ambassador to the Holy See Myla Macahilig ang delegasyon ng Pilipinas para sa Requiem Mass.

b12
Photo by Thirdy Ado

May 2,500 religious sa Holy See. Ang mga pari at seminaristang dumalo ay sinariwa ng ang makasaysayang karanasan sa Requiem Mass.

ADVERTISEMENT

Sabi ni Fr. Reupert Garcia, sa unang pagkakita sa dating cardinal, alam na niyang magiging Santo Papa si Pope Benedict XVI.

“I came to the knowledge of Benedict XVI during the death also of the great John Paul II during the funeral of John Paul II. I saw him for the first time, Cardinal Ratzinger since he was the Dean of the College of Cardinals. He was in charge of saying the Mass. Personally, I felt that this man can be the next one. That was my personal conviction,” saad ni Fr. Rupert Garcia, archdiocese of Capiz, student-priest.

Sabi naman ni Fr. Fritz Tohoy maliban sa pagiging great theologian, hindi niya makakalimutan na sa libing ni Pope Benedict XVI, binuklod muli niya ang Simbahang Katolika.

“Being there was being part of the whole Catholic Church who was praying for him, giving him honor and being one as a Church because this morning, talagang naramdaman ko na there is the unity around the wake of Pope Benedict XVI,” sabi ni Fr. Fritz Tohoy, Vice-parish priest sa Sardinia.

Rockstar theologian ang turing ng Simbahan at mga mananampalataya sa dating Cardinal Ratzinger ng Germany hanggang siya’t naging Pope Benedict XVI.

ADVERTISEMENT

Ito’y dahil sa kanyang mga naisulat na libro na nagpaigting sa kanilang pananalig sa Diyos at Simbahan.

“Matapos kong mabasa yung mga encyclical letters, talagang na-inlove ako sa kanyang mga teachings,” sabi ni Joselito Ayo, seminarista sa Rome.

Isang pahina ng kasaysayan ng Simbahang Katolika ang nagsara sa pagkamatay at libing ni Pope Emeritus Benedict XVI.

Para sa maraming sumubaybay sa buhay ng Papa, umaasa silang ang susunod na pahina ay ang paglalakbay sa landas para maging santo ang dating Papa.

(Kasama si Mye Mulingtapang at Thirdy Ado)

Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa Italya, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.

KAUGNAY NA VIDEO:

Watch more News on iWantTFC

Read More:

TFC News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.