Mga 'naghihingalong' sasakyan na 'takaw-aksidente', sinimulan nang hulihin | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga 'naghihingalong' sasakyan na 'takaw-aksidente', sinimulan nang hulihin

ABS-CBN News
Published Jan 10, 2018 08:47 PM PHT
|
Updated May 21, 2019 05:34 PM PHT

Higit 200 pampasaherong sasakyan ang nahuli at natikitan sa unang araw ng opisyal na pagpapatupad ng "Oplan Tanggal Bulok Tanggal Usok" ng Inter-Agency Council on Traffic (i-ACT).

Lunes nang magsimulang magbabala ang iba't ibang ahensiyang bumubuo sa i-ACT laban sa mga tsuper at operator ng halos gutay-gutay nang sasakyan na pumapasada pa rin.

Walang habas na sabayang nanghuli ang mga awtoridad simula Miyerkoles sa iba't ibang bahagi ng Metro Manila.

Pero giit ng mga operator, masyadong malupit ang nasabing kampanya kaya't maaari umano silang magkaroon ng kilos-protesta laban dito.

ADVERTISEMENT
Sa buong araw ng panghuhuli, napatunayan ng i-ACT na uso pala talaga sa mga lumang jeepney ang kalbong-kalbo na ang mga gulong at pinapasakan na lang ng cup noodle container bilang kapalit ng hubcap.

May mga hood din umano ng jeep na walang lock o latch na pangsarado.

Sa kalagitnaan ng panghuhuli, nagalit pa ang isa na nakitaan ng multiple violations gaya ng walang signal light, palyadong handbrake, at gulong na sira na.

"Lagay niyo po na violation ng sasakyan ha, hindi ko violation. Aba, mabigat ito, hindi naman po ako ang may violation... Sagot po ng operator 'yung ganyan eh, maiipit kami," ayon sa drayber ng jeep.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), ipagpapatuloy pa rin nila ang programa kahit pa maraming umaalma.
Ayon sa Department of Transportation (DOTr), ipagpapatuloy pa rin nila ang programa kahit pa maraming umaalma.
ADVERTISEMENT
"Wala ho kaming pakundangan, gagawin ho namin ito...Sana maintindihan ng lahat, hindi ito dahil sa modernisasyon lang, para ito sa kaligtasan ng ating mga pasahero," ani DOTr Undersecretary Tim Orbos.

Hanggang alas-5 ng hapon, 223 na ang nahuling depektibo ang mga ilaw, walang seatbelt, kalbo ang mga gulong, at iba pang violations, habang walo ang nasita sa smoke belching.

Ang kabuuang nabigyan ng subpoena, umabot sa 231.

Isang tricycle, dalawang jeep, at dalawang bus ang diretsong na-impound.

Babala ng i-ACT, manghuhuli sila umaga man o gabi.

--Ulat ni Doris Bigornia, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPh
Tagalog news
TV Patrol
i-ACT
Inter-Agency Council on Traffic
transportasyon
PUV
jeepney
bus
operators
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT