NBI sinimulan na ang forensic examination sa labi ni Christine Dacera | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
NBI sinimulan na ang forensic examination sa labi ni Christine Dacera

Wheng Hidalgo,
ABS-CBN News
Published Jan 09, 2021 07:24 PM PHT

Bumuhos ang mga bisita at kaanak ng pamilya Dacera sa huling araw ng lamay ng flight attendant na si Christine Dacera.

Isinagawa naman ng NBI ang kanilang sariling forensic examination sa labi ni Dacera para sa kanilang sariling imbestigasyon.

Dahil inaasahan ang pagdagsa ng mga bisitang makikiramay sa pamilya Dacera bago ang kanyang libing sa Linggo, nag-set up ng ibang pwesto na dadaanan at paghihintayan ng mga bisita ng mga Dacera.

Ang pamunuan ng Saint Peter Chapel ang nagbaba ng utos na ipuwesto sa kaliwang bahagi ng harapan ng Chapel ang daanan. Naglagay ng tent at upuan para lang sa mga bisita ni Dacera habang ang kanang bahagi ay pwesto naman para sa ibang nakaburol doon.

Ipinatupad ng management ang 10 bisita na sabay-sabay papasok at pwede lang magtagal ng 5 hanggang 10 minuto ang viewing.

Pero bandang alas-4 ng hapon ay naglabas ng bagong anunsyo ang Saint Peter na nagsasabing pansamantalang tinitigil muna ang viewing at hindi pa tiyak kung anong oras uli bubuksan ang burol.

Maya-maya ay inilabas mula sa Chapel ang casket ni Dacera at dinala sa morgue. Makalipas ang ilang minuto ay dumating na ang grupo ng NBI na mula pa sa Manila, General Santos, Davao at Cotabato.

Tatagal umano ng 2 hanggang 3 oras ang gagawing forensic examination kung may pwede pang pag-aralan sa mga labi ni Dacera para mabigyang linaw ang kanyang pagkamatay.

Samantala dumalaw din sa burol ang Mayor ng Koronadal City na si Mayor Eliordo Ogena Jr. Kaibigan daw nya ang mga magulang ni Dacera na tubong Koronadal kaya nakikiramay siya sa pamilya.

Sabi pa nya, dapat ay mahigpit na ipinatutupad ang mga regulasyon ng IATF para naiiwasan ang mga ganong pangyayari.

Dapat din daw na pag-igihin pa ang imbestigasyon sa tunay na sanhi ng pagkamatay ni Dacera. Ang ibang kaibigan pa ng pamilya ay saglit lang ding nakakapasok sa loob para sumilip at makiramay pero ang mga inabot ng pagsusuri ng NBI ay matiyagang naghihintay sa labas ng Chapel.

"Gusto namin ipakita ang pagmamahal namin sa kanila tsaka pagbisita sa parang pamangkin ko na. Tinext ko mama nya, sabi bro ang sakit-sakit, biglaan," ani Randy Loyola, kaibigan ng magulang ni Dacera.

"i hope the truth will come out and justice be served. May buhay na nawala, napakabata pa nung tao. Christine is bright and suddenly by just click nawala, tapos yung mga kasama identified naman. Maraming allegations, we need proof, we need evidence. I think it would be easy for the authorities to banner the truth here considering may footages," ani Ogena.