'Dacera masyadong bata para maputukan ng ugat' | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'Dacera masyadong bata para maputukan ng ugat'

ABS-CBN News
Published Jan 06, 2021 08:02 PM PHT

MAYNILA – Masyadong bata para mamatay sa ruptured aortic aneurysm o pagputok ng ugat sa puso ang flight attendant na si Christine Dacera, batay sa kumalat na autopsy report sa bangkay ng dalaga.

Ayon sa batikang forensic pathologist na si Dr. Raquel Fortun, high blood pressure ang kadalasang sanhi ng ruptured aortic aneurysm,
bagay na hindi naman daw nararanasan ng mga taong 23 anyos, ang edad ni Dacera.

"That would be very unusual with a young individual. Kasi usually degenerative 'yan, it's due to the weakening of the wall. And the most usual condition is atheroma atherosclerosis, nalalagyan ng deposit ng mga taba-taba kaya humihina 'yung wall na 'yon... Bubukol muna 'yan bago puputok, it develops overtime.. And again, ang bata nito eh," ani Fortun.

Sinagot din ni Fortun ang espekulasyon sa social media na may kinalaman sa party drugs ang pagkamatay ni Dacera.
Sinagot din ni Fortun ang espekulasyon sa social media na may kinalaman sa party drugs ang pagkamatay ni Dacera.
ADVERTISEMENT
"Mahirap ikonek , drugs meaning intoxication and thoracic aneurysm, mahirap 'yon," aniya.

Kaya't maganda aniya na kumpleto ng toxicology report para malaman kung ano-ano ang mga huling nainom ni Dacera.

"Best sana kung kinunan ng blood at urine although sabi dito walang laman," ani Fortun.

Sa body diagram na ginawa ni Fortun na base sa autopsy report, lumalabas na may mga contusion o mga pasa sa mga binti si Dacera.

"You don't know if there's an assault because of the circumstances when she was found."
"You don't know if there's an assault because of the circumstances when she was found."
ADVERTISEMENT
Pero ayon kay Fortun, base autopsy report ay wala siyang nakikitang senyales ng rape.

"Kung sinasabing may nakitang spermatozoa, malabong ma-conclude na rape agad ito," aniya.

Pero sa kabila nito, iginiit ni Philippine National Police chief Gen. Debold Sinas na may ebidensiya silang magpapatunay na ginahasa ang dalaga.

Gayunpaman, hindi pa ito inilalabas ng pulisya.

–Ulat nina Zyann Ambrosio at Doland Castro, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT