Ilang bahagi ng Leyte binaha dahil sa tuloy-tuloy na ulan | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Ilang bahagi ng Leyte binaha dahil sa tuloy-tuloy na ulan

ABS-CBN News
Published Jan 04, 2023 12:00 PM PHT

MAYNILA -- Ilinikas ang limang pamilya o 26 individuals sa barangay Sacme sa bayan ng Tanauan, Leyte.

Ito ang mga pamilyang delikado sa matinding pagbaha. Sa ngayon, nakikisilong muna sila pansamantala sa kanilang barangay hall.

Agad namang namahagi ng tulong sa mga bakwit ang lokal na pamahalaan ng Tanauan.

Sinuspinde na ang pasok sa paaralan sa lahat ng antas at ang trabaho sa mga opisina sa nasabing bayan, base sa ipinalabas na executive order ni Mayor Gina Merilo.

Sa bayan naman ng Sta. Fe, binaha ang San Isidro Elementary School, base sa larawang kuha ng gurong si Angelo Aurelio.

Bagaman walang ibinabang executive order ang lokal na pamahalaan sa kanilang bayan, walang pasok ang eskwelahan sa unang araw sana ng pasukan para sa taong 2023 dahil sa pagbaha.

--ulat nina Ranulfo Docdocan at Sharon Evite
KAUGNAY NA VIDEO
Read More:
Leyte
baha
flood
Tanuan
Sta. Fe
Tanauan Leyte
Sta Fe Leyte
walang pasok
classes suspended
work suspended
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT