Mga peste tuwing tag-lamig, problema ng mga magsasaka sa Pangasinan | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga peste tuwing tag-lamig, problema ng mga magsasaka sa Pangasinan

Mga peste tuwing tag-lamig, problema ng mga magsasaka sa Pangasinan

ABS-CBN News

Clipboard

Problema pa rin ngayon ng mga magsasaka ang mga peste sa kanilang palayan na nagsisilabasan tuwing malamig ang klima.

Kaya naman maaga pa lang, abala na ang grupo ng mga magsasaka sa pagsaboy ng abono at pesticide sa kanilang mga sakahan sa Barangay Cabaruan sa Urdaneta City, Pangasinan.

Ayon sa magsasakang si Isidro Tomandaw, kailangan nilang makabawi ngayong second cropping lalo't nalugi sila noong main cropping season dahil naman sa pag-atake ng rice black bug.

"Lugi nga kami noong nakaraan dahil sa rice black bug, eh eto naman may talikitik, dagang bukid, dami na, tignan mo yung dahon ng palay," ani Tomandaw.

ADVERTISEMENT

Bukod sa pesteng rice black bug, binabantayan ngayon ng mga magsasaka ang mga pesteng stem boarer, army worms, maging ang dagang bukid na madalas sumira sa kanilang palay.

Ayon sa City Agriculturist na si Bonifacio Fariñas, madaling dumami ang peste sa palayan kapag malamig ang panahon dahil sa breeding season.

Ngayong second cropping, nasa 3,800 ektarya ang inaasahang matatamnan sa Urdaneta City, na mahigpit mino-monitor.

Nakapagbigay na rin daw sila ng higit 1,000 kaban ng binhi para sa mga apektadong magsasaka na nalugi noong main cropping.

"Sa katunayan meron kaming proposal na magkaroon ng laboratory na paggawa ng mga biocontrol agents dito at magkakaroon kami ng test sa mga lupa," ani Fariñas.

Mahigit 4,000 ektarya ng sakahan ang nasira ng pesteng rice black noong main cropping kaya bumaba ang produksiyon ng palay.

Umaasa ngayon ang mga magsasaka na sapat ang kanilang paghahanda para hindi malugi sa peste.

--Ulat ni Joanna Tacason, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.