CHED, pumagitna sa JRU at estudyante ukol sa transcript | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

CHED, pumagitna sa JRU at estudyante ukol sa transcript

CHED, pumagitna sa JRU at estudyante ukol sa transcript

DJ Arcon

Clipboard

Sa tulong ng Commission on Higher Education (CHED), makukuha na ng isang estudyante ng Jose Rizal University ang kaniyang transcript of records matapos tanggihan ng tagapamahala ng paaralan na ibigay ito sa kanya dahil sa umano hindi nito pagbayad ng buo ng matrikula.

Ayon kay Jeymelee Mendiola, sa pangunguna ni National Capital Region CHED Director Dr. Leonida Calagui, nagkaroon na ng kasunduan sa pagitan niya at ng JRU.

Nakasaad din sa kasunduan nila ng JRU na kailangan na makuha muna ni Mendiola ang kanyang Form-137 sa pinasukang high school bago ibigay ang kanyang TOR.

"Ang pinapagawa na lang muna nila sa akin ay i-follow-up ko muna sa high school ko 'yung Form-137. Pagkatapos kong i-follow-up 'yun, pumunta raw ulit ako sa Jose Rizal University para mag-drop na ng mga subjects ko," ani Mendiola.

ADVERTISEMENT

"At the same time, maire-refund na rin po 'yung P2,800 na dinown payment ko nung second [semester]," dagdag pa ng estudyante.

Bago lumapit si Mendiola sa CHED, sinabi ni JRU Vice President for Financial Affairs, Theodor Calaguas na ang maaaring tulong na maibigay nila ay panahon upang mabuo ang kanyang bayad.

"Ang binibigay po namin sa kanila ay time to amortize," sabi ni Calaguas.

Si Mendiola ay napilitang tumigil sa pag-aaral matapos hindi makapasa sa pamantayan ng scholarship ng pangalawang semestre sa JRU.

Subalit, nang kukunin na niya ang kaniyang TOR, hindi ito binigay dahil sa kailangan niyang bayaran ang kabuuang tuition fee na P22,480.50.

ADVERTISEMENT

"Bago po magpasukan, tumawag ako sa JRU. Sabi ko po, 'hindi ako makakapagpatuloy sa pag-aaral. Ano po bang mga kailangan kong ilakad?' Ang sabi lang nila, kailangan kong bayaran ang tuition ko kahit hindi ko na papasukan," ayon kay Mendiola.

Ayon pa sa tagapamahala ng JRU, kaya niya dapat bayaran ang kabuuang matrikula ay dahil sa hindi nagawang makapag-drop ni Mendiola ng ilang subject.

Giit ni Calaguas na ito ay nakasulat sa kanilang student handbook.

Nakasaad sa Magna Carta for Students Section XVII o "Access to school records and issuance of officials certificates," karapatan ng mga mag-aaral na mabigyan ng official certificates, diplomas, transcript of recors, grades, transfer credential, at iba pang katulad na dokumento sa loob ng 30 araw nang sila ay mag-file ng request.

Read More:

dzmm

|

CHED

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.