Doris Bigornia nagpasalamat, may nakatutuwang reaksyon matapos ipangalan sa kanya ang bagong halaman | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Doris Bigornia nagpasalamat, may nakatutuwang reaksyon matapos ipangalan sa kanya ang bagong halaman

Doris Bigornia nagpasalamat, may nakatutuwang reaksyon matapos ipangalan sa kanya ang bagong halaman

ABS-CBN News

 | 

Updated May 05, 2025 01:47 PM PHT

Clipboard

Doris Bigornia nagpasalamat, may nakatutuwang reaksyon matapos ipangalan sa kanya ang bagong halaman
iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA — Nagpasalamat ang broadcast journalist na si Doris Bigornia ngayong Lunes sa mga mananaliksik na nagpangalan sa isang bagong tuklas na flowering plant hango mula sa kanya.

Matatandaang isang bagong tuklas na species ng halamang namumulaklak sa Silangang Mindanao ang ipinangalan kay Doris Bigornia.

Isa ito sa 2 uri ng halamang nadiskubre sa naturang lugar, ayon sa bagong pag-aaral tungkol sa Begonia. Pinangalanan ang naturang halaman na Begonia dorisiae.

Ang epithet na dorisiae ay isang "tribute" kay Bigornia, na ang pangalan ay naging impormal pero kapaki-pakinabang na monicker ng genus na Begonia, lalong-lalo na sa mga lokal na komunidad, ayon sa mga awtor ng pag-aaral.

ADVERTISEMENT

"Seriously ako'y nagpapasalamat at ako ay tuwang-tuwa pati ang aking pamilya dahil matagal na rin sa totoo lang maraming nagkakamali noon Begonia ang nilalagay na apilyedo ko," sabi ni Bigornia.

"Kaya pag gano'n sinasabi ko, 'Ay hindi ako 'yan kasi Begonia.' Ngayon puwede ko nang sabihin, 'Ako 'yan, Begonia dorisiae.'"

Bukod sa pagpapasalamat, may nakatutuwa ring reaksiyon si Bigornia sa balitang ito.

"Hinihintay ko ‘yung tropeo ko," pabirong sabi ng mamamahayag. "O kung walang tropeo, ‘yung kanilang pabuya."

"Gusto ko din habang may seremonya ay papalibutan ako ng sandamakmak na Begonia," aniya habang tumatawa.

Biro pa ni Bigornia, "bagay na bagay" sa kanya ang bagong tuklas na species ng halaman na natuklasan sa bayan ng Caraga sa Davao Oriental dahil sa "napaka-demure" na hitsura ng maliliit na bulaklak ng halaman.

Dagdag ni Bigornia tungkol sa pagpapangalan sa kanya sa halaman: "Para sa akin hindi more on bragging [kundi] 'yung magiging humble ka na wow, meron pa lang ganyan."

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.